Abante Tonite Interactive

Feelingerang singing champion inirapan ang mga kalaban

475

Naaliw kami nang mag-message sa amin ang isa naming celebrity friend (CF) at kumpirmahin nito ang blind item namin kamakailan tungkol sa isang feelingerang singing champion (FSC).

Ang sabi sa amin ni CF, contestant pa lang si FSC sa kontes na sinalihan nito ay kinakitaan na niya ito ng kamalditahan.

As in iniirap-irapan daw ni FSC ang mga kalaban nito at napapagalitan daw ito ng direktor ng show dahil meron nga itong attitude.

Dayalog tuloy sa amin ni CF, magaling daw talaga siyang bumasa ng ugali ng isang tao dahil sa simula pa lang ay alam na niyang malditeyshus si FSC at hindi nga siya nagkamali sa hinala niya! Ha! Ha!
PAK!! (Allan ­Diones)