Abante Tonite
Mabilis sa Balita

FEJODAP president pumanaw na

0 582

Sumakabilang-buhay na si Zeny Maranan, ang presidente ng transport group na Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), ayon sa kanyang pamilya.

Nasawi si Maranan sa edad na 75, dahil sa cardiac arrest. Ayon sa pamangkin nitong si Ronald Zapanta, pumanaw si Maranan nitong Sabado sa isang ospital sa Antipolo dahil sa matagal nang nilalabanan na sakit sa puso. Ilalagak ang kanyang labi para sa public viewing sa Haven of Angels Memorial Chapels and Crematorium sa Antipolo mula Lunes hanggang Martes.

Nakilala si Maranan bilang isa sa mga nagsusulong ng mga karapatan ng mga tsuper ng mga jeepney, na nilaban ang pagbabalik ng operasyon sa kabila ng COVID-19 pandemic. Sa panayam sa dzBB, nakiramay si Metro Manila Development Authority General Manager Jojo Garcia sa pagpanaw ni Maranan.

“Malaking kawalan po sa ating tranportasyon, ‘yung mga kumakatawan po, ‘yung pagkawala po ni Ma’am Zeny,” lahad ni Garcia. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.