Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female celeb binuking na 5 buwan buntis

0 23,417

Obvious sa mga Instagram posts ng veteran entertainment columnist/talent manager na si Lolit Solis na kilala niya kung sino ang tinutukoy sa blind item na female celebrity na nabuntis ng isang sikat na married actor.

Ito nga ‘yung kontrobersyal na blind item kung saan ay ang unang hula ng mga netizens ay sina Robin Padilla at Mocha Uson pero nang mag-deny nga ang huli pati na ang misis ni Binoe na si Mariel Rodriguez ay sina Dingdong Dantes at Lindsay de Vera naman ang lumitaw na pangalan.

Ayon sa recent post ni Nay Lolit, ilalaban daw niya na hindi talaga magagawa ni Dingdong ang akusasyon.

“Sanga-sanga na mga balita. Dingdong Dantes / Lindsay de Vera, Robin Padilla / Mocha, ano tutoo, ano fake news?

“Basta ako ilalaban ko na hindi magagawa ni Dingdong iyon kumakalat na bintang, nuon binata pa siya never nangyari, ngayon pa na sobra ang happiness niya sa kanyang married life at dedication niya as a father sa dalawang anak na sila Zia at Ziggy,” ang saad ni Nay Lolit.

Patuloy pa niya, “si Robin Padilla markadong ladies man, pero di ba panay naman ang denial ni Mariel Rodriquez.”

Kaya mensahe niya sa publiko, huwag daw magmadali at malapit na raw ang big revelation. Makikita’t makikita raw naman ito dahil hindi pwedeng mag-abroad.

“So bakit hindi na lang natin hintayin ang discovery day dahil hindi naman puwede tumakas at manganak abroad dahil may travel ban. Kalokah talaga na nagmamadali ang netizen to find out who , mas excited pa sila kesa sa vaccine ng covid 19,” aniya.

Ayon pa kay Nay Lolit, 5 months na ang ipinagbubuntis ni female celebrity kaya hintayin na lang daw at huwag na munang kung sino-sino ang ituro.

“Wait lang, 5 months na iyan, malapit na lumabas, konting araw na lang, hintayin na natin ang great reveal, puwede ? Huwag na sino sino pa itinuturo,huwag magmadali,” sey pa ni Nay Lolit.

Barbie napraning kay Jak

Ikinaloka ni Barbie Forteza ang ginawa ng boyfriend na si Jak Roberto para sa kanilang unang vlog for 2021 without knowing na pina-prank na pala siya ng aktor.

Ang akala ni Barbie ay magsu-shoot sila ng mga TikTok dances ni Jak at wala siyang kamalay-malay na may ‘maitim’ palang balak ang boyfriend sa kanya.

Related Posts

“Akala niya simpleng vlog lang ‘to. Since ito nga ‘yung unang vlog nitong 2021, gusto kong lagyan ng twist. ‘Tong TikTok na gagawin naming dance cover, para mas maging interesting, parang gawin nating social experiment. Kapag nag-sorry ka ng 100 times, ano kayang magiging reaction ng girlfriend mo?” ang paliwanag ni Jak habang wala si Barbie.

At sinimulan na nga ni Jak ang 100x Sorry Challenge niya kay Barbie. Habang nagsasayaw sila ay makikita ngang panay ang pagsasabi ng “sorry” ng aktor sa GF. Nang matapos silang magsayaw ay umabot na sa 32x ang kanyang pagso-sorry.

Nagpatuloy pa ito nang nakaupo na sila’t nagtsitsikahan habang nage-edit naman si Barbie.

Nang nasa ika-58 na si Jak ng kanyang “sorry”, nagtanong na si Barbie ng “bakit?”. Pero panay pa rin ang “sorry” ng aktor kaya paulit-ulit rin ang tanong ni Barbie ng “bakit nga?”

Tanong pa ni Barbie, “Na-delete mo ‘yung TikTok no?”

Paulit-ulit na ang sorry ni Jak kaya napapraning na talaga si Barbie at makikitang nag-iisip na talaga siya.

Hanggang sa nakulitan na si Barbie at sinabing tinatanggap niya ang sorry kung anuman ito.

“Okay, apology accepted, moving on, kung anuman ‘yan, may nabuntis ka man, hindi ko na alam bakit, eh,” sey ni Barbie.

Sa ika-86 sorry, tanong ni Barbie, “May babae ka?” Natawa si Jak.

Dahil nga panay ang tanong ni Barbie, sinabi na rin ni Jak na prank lang ‘yun.

“Pero wala ka talagang kinaka-sorry?” tanong ni Barbie. “Wala!” sagot naman ni Jak.

Natuwa naman ang aktor na walang violent reaction ang girlfriend niya at hindi nag-isip ng masama sa kanya or kung may kasalanan siyang nagawa.

Sabi naman ni Barbie, hindi raw ang tipo ni Jak ang gagawa ng kung ano-anong kalokohan kaya kalma lang siya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.