Abante Tonite Interactive

Female celebrity binastos ang pamilya ng ex

By
0 835

Bongga ang mga ganap ngayon sa isang gandarang female celebrity na laman ng mga balita lately dahil sa pambihirang opportunity na na-achieve niya.

Kung sa beauty at beauty lang ay wagi talaga si kagandahang modelo (KM) kaya hindi kataka-takang nakamit niya ang isang bagay na pinakaaasam-asam niya at ng mga babaeng katulad niya.

In fairness, bukod sa bet na bet namin ang ganda ni KM ay panalo rin ang kaseksihan niya. Ang dating niya sa amin ay parang napaka-charming niya at tila ang bait-bait niya in person.

Not until we heard some not-so-pleasant chika about her. May makarelasyon kasi nang matagal si KM na kamakailan lang ay hiniwalayan niya.

Nag-live in sila ng nasabing lalaki at doon lumabas ang mga hindi kagandahang ugali ni girl nang magsama sila sa iisang bubong.

Bukod sa tamad at hindi maru­nong gumawa ng mga gawaing bahay, feeling senyorita raw si KM na ang gusto ay pinagsisilbihan siya.

In fairness ay mahal na mahal siya ng nobyong naka-live in niya at feeling prinsesa siya sa piling nito, pero later on ay hindi na rin kinaya ni lalaki ang ugali ni KM.

Makapamilya ‘yung guy at very close ang family nito, kaya medyo nawindang ito na si girl ay tila walang sense of family bilang nasanay itong maging independent sa murang edad pa lang nito.

In short, may mga pagkakataong nababastos na ang pamilya ni guy, pero dahil iti­nuring na rin nilang hindi iba si girl at parang part of their family na ay hinahayaan na lang nila ito.

Ngayong break na si KM at ang ex-boyfriend nito ay pawang hindi magagandang alaala ang naiwan sa pamilya nu’ng guy. Minahal kasi nila at pinahalagahan si girl pero parang binalewala lang lahat nito.

Kaya ngayon, sa tuwing nababanggit ang name ni KM ay negative ang reaksyon ng pamilya at mga malalapit sa ex-live in partner nito.

Sobra silang nalungkot at nanghinayang na sa likod ng kagandahan na ‘yon ni KM ay napakapangit pala ng ugali nito.
At lalo pa silang na-hurt nu’ng agad-agad ay makahanap ng kapalit si KM sa ex nito.

As in just like that ay naka-move on na bigla si girl at may bago nang jowa! Iba rin naman si girl! PAK!