Abante Tonite Interactive

Female celebrity, echosera

345
tonite-pak-allan-diones
Naiiling na lang ang isa naming friend kapag napapanood niya ang mga interview sa isang pinag-uusapang ­female celebrity (PFC).
Kilala kasi ng kaibigan namin si PFC at alam niya ang background nito. Pati sa personal life ni PFC ay may mga alam din siya.
Para sa friend namin ay etchosera si PFC dahil sa isang interview ay nabanggit ni PFC na gusto nitong makarating sa isang mala­yong kontinente dahil hindi pa raw ito nakakapunta roon.
Biglang nag-flashback sa friend namin ang interview sa isang taong malapit kay PFC kung saan nabanggit nito na na-touch ito sa regalo ni PFC na isang trip abroad.
Nagbiyahe pa-abroad si PFC at ang taong ‘yon na malapit sa kanya. Ang bansang pinuntahan nila ay nasa kontinente na ‘yon, na kini-claim ni PFC na hindi pa niya napupuntahan.
So, ganu’n na lang ang pagtikwas ng kilay ng friend namin na nakapanood sa ­interview ni PFC.
Bakit daw kailangang mang-eklay ni PFC samantalang ang totoo ay nakapunta na siya sa malayong lugar na ‘yon kasama ang isang taong malapit sa kanya?
Naaalibadbaran din ang friend namin sa tuwing tila nagpapa-cute o nagpapaka-wholesome si PFC kapag iniinterbyu ito ­dahil hindi naman daw ganu’n ang pagkakakilala niya rito.
In fact ay liberal ang pananaw ni girl at maging sa kanyang personal na buhay ay open-minded si PFC. Sa katunayan ay matagal na silang nagsasama ng kanyang karelasyon.
Wala namang galit ang kaibigan namin kay PFC at masaya siya sa magandang nangyayari rito dahil deserved naman nito kung bakit ito pinag-uusapan ngayon, hindi niya lang maiwasang magreak dahil kilala nga niya si PFC kahit noon pa.
Mabango ngayon si PFC at gustong-gusto ito ng marami, kaya parang kahit anong sabihin nito ay paniniwalaan ng lahat.
Aware naman doon ang friend namin at tanggap niya ang bagay na ‘yon. Agree rin siya sa kasabihan na you can’t argue with success. PAK!

Sarah ikinukumpara kay Juday

Obvious na na-miss ni Matteo Guidicelli ang girlfie niyang si Sarah Geronimo dahil hindi ito nakasama ng family niya sa recent holiday vacation nila sa Japan.
Habang nagtatampisaw sa snow sa Niseko ay panay ang hanash ni Matteo na patungkol sa kanyang nobya.
“Wish you were here” at “I’ll bring you here one day” ang mga banat ni Matt sa Instagram na siyempre pa ay para kay Sarah.
Mas masaya nga naman kasi kung bukod sa family niya ay kapiling din ni Matty sa malamig na lugar na ‘yon ang kanyang mahal na nobya, kaya lang ay may sari­ling pamilya si Sarah na kasama nito nu’ng Pasko at Bagong Taon.
Kaya ayun, parang bumabawi ang Matteo at palaging kasama ngayon si Sarah.
Kinilig ang AshMatt fans na sinama ni Matt si Sarah sa kanyang motocross training sa Rizal at pina-try niya pa itong mag-dirt bike, na mukhang na-enjoy naman ng Popstar Princess.
Actually, ang liit nu’ng bike para sa 30-anyos na dalaga kaya ang cute niyang tingnan na para siyang bata habang minamaniobra ito sa track.
‘Kaaliw ‘yung isang tropa ni Matty na nagdayalog doon sa video na baka raw matuwa si Sarah at magpabili ng PW50 bike. Ito ‘yung motor na sinasakyan dati ni Matt nu’ng 10-anyos ito.
‘Yun pala ang first time ni SG na sumakay ng motorbike. Baka next time ay mag-join na ito palagi kay Matty dahil enjoy siya sa bagong experience na ‘yon.
Ang sweet ng racetrack date na ‘yon ng dalawa, na sabay kumakain ang mag-sweetheart na parang ang happy-happy nila kahit Jollibee lang ang pinagsasaluhan nila. Tapos ay sabay din silang umalis sakay ng bike ni Matty.
Nakaka-good vibes kahit ‘yung mga simpleng ganap na ganito ng AshMatt. Natutuwa rin ang fans dahil nakikita nilang mas ine-enjoy ngayon ni Sarah ang life niya at mas naging adventurous siya dahil kay Matteo.
At least daw ay may natututunang ibang bagay si Sarah maliban sa performing.
Ikinukumpara pa si Sarah kay Judy Ann ­Santos na mas narelaks din dati sa trabaho dahil sa nobyong si Ryan Agoncillo.
31-anyos si Juday nang magpakasal kay Ryan. This year ay turning 31 na si Sarah.
Ibig sabihin kaya ay ngayong 2019 magpapaka­sal si Sarah kay Matteo?! Wow! Kaabang-abang!!