Abante Tonite Interactive

Female celebrity mahilig sa pekeng bulaklak

531

Hindi nabibili ang taste. Lalong hindi nabibili ang sopistikasyon. Kahit pa nakahiga na sa salapi ang tao ay hinding-hindi pa rin niya mabibili ang mga bagay-bagay na nararapat sa kanyang estado.

Ganu’n ang paglalarawan ng mas nakararami sa isang female celebrity na wala nang mahihiling pa sa buhay nga-yon dahil saganang-sagana na siya sa pananalapi.

Kahit sino naman ay magugulantang sa biglaan niyang pagyaman, mula sa buhay na napakasimple at kapos ay heto na ngayon ang female celebrity, isang malaking bahay na bato na ang katumbas ng isang bag pa lang niya.

Abante Hiring – IT dep

Pero kuwento ng aming source, “Hindi nga talaga nabibili ang taste. Kung ano ang nakasanayan niya, e, du’n siya maligaya. Hindi niya alam na sa pagbabago ng buhay nilang mag-anak, e, kailangan na ring nagbabago ang mga atake niya sa buhay.

“Ang alam lang niya, e, ang mga branded bags at shoes, pero sa bahay, e, wala siyang alam. Maniniwala ba kayo na sa house nila, e, puro ang
nakasanayan pa rin niyang plastic flowers ang naka-display?

“Mismo! Nakabalandra ang mga fake flowers sa house nila kahit saan! Sa sala, sa dining room, sa kitchen, hanggang sa mismong bedroom nila, puro plastic na bulaklak ang makikita n’yo!

“May mga nagsa-suggest na nga sa kanya na pagtatanggalin na niya ‘yun, tutal naman, e, may kinuha na silang interior designer, pero wala pa rin!
“Pag-alis ng kinuha nilang designer, balik na naman siya sa dati, kung anu-ano na namang kapekean ang idini-display niya. Ipinatanggal na nga ng designer ang mga plastic na lalagyan ng sapatos nila, pero hindi pa rin siya nakinig, pasaway siya!

“Hay, naku! Hindi nga nabibili ang tamang panlasa. Maligaya siya sa kanyang nakasanayan, kaya wala nang magagawa ang mga nagpapayo sa
kanya kundi ang manahimik na lang.

“Pak na pak ang mga suggestions na tinatanggap niya, pero wala pa ring effect ‘yun, kaya bahala na siya sa gusto niya!” naiinis na kuwento ng aming source.

Panonood sa ‘It’s Showtime’ may bayad na?

Totoo ba ang kuwentong nakarating sa amin na may bayad na ngayon ang panonood ng It’s Showtime? Marami kaming nakausap na impormante na nagsasabing bayad na ngayon ang pagpunta sa noontime show ng ABS-CBN.
Sabi ng isa sa aming nakausap, “May bayad na ang pano-nood ng It’s Showtime, hindi na libre ‘yun, ang kasama sa bayad, e, photo opportunity sa mga hosts ng show.

“Nakakagulat, di ba? Ano kaya ang masasabi ng mga hosts ng Eat… Bulaga! sa ginagawa ngayon ng katapat nilang show?” tanong-opinyon ng aming kausap.

Maraming taon na ang nakararaan ay baligtad naman ang senaryo. Para lang mapuno ang studio ng noontime show ay humahakot sila ng mga manonood, kadalasan ay sa mga depressed area sila kumukuha, may talent fee na ay meron pa silang libreng pananghalian.

Pero pagkatapos nang ilang taon, nang lumakas na ang programa, ay dinadayo na ang kanilang show. At heto nga, may bayad na ang panonood ng It’s Showtime.

Magiging malaking isyu ito kapag nagkataon. Ang gusto nila ay ang magpasaya pero may ba-yad na pala ang panonood ng kanilang programa.
Su­mabay pa naman ang kuwento sa pagkabuking ni Willie Revillame sa ilang kababayan nating nagpapanggap na miyembro ng produksiyon ng
Wowowin.

Naniningil ang mga ito, o kaya’y sumasali sa mga grupong nagiging contestant ng game show, saka kukuha ng kanilang parte sa napapanalunan.

Walang bayad ang panood ng Wowowin, libre ang pagpasok sa studio ng matagumpay na show, kaya ang mga gumagawa ng kalokohan ay banned na sa programa.

Ano kaya ang dahilan at biglang nagbago ang patakaran sa It’s Showtime?
Kaninong utak kaya ang pinanggalingan ng pagkakaroon ng bayad kung gusto mong manood ng show?