Abante Tonite Interactive

Female celebrity nuknukan ng kaplastikan

By
8,054

SABI ni Female Perso­nality A kay Female Personality B, “Alam mo bang nakita ko kanina si ____(pangalan ng isang magandang aktres na may asawa at mga anak na ngayon) sa isang shop? Malayo pa lang siya, e, nakita ko na siya agad, kaya lumabas ako sa shop!”

Umiwas si Female Personality A dahil alam na alam na niya kung ano ang ibubungad sa kanya ng may asawang aktres, “Uy, ang ganda-ganda mo naman ngayon, you look so happy and contented! Nice to see you again after a long time, you’re so gorgeous!”

Kaplastikan lang ‘yun para kay Female Persona­lity A dahil nu’ng minsan silang magkita ng aktres ay pinintas-pintasan siya nito. At sa isang kaibigan pa niyang designer nagtsismis ang hindi na gaanong aktibong aktres.

Sabi uli ni Female Personality A, “Wala siyang kaalam-alam na bestfriend ko ang pinagsabihan niya na mukhang losyang na raw ako, saka parang ang lungkot ko raw, dahil nagkahiwalay kami ng husband ko!

“Bakit ganu’n daw ang itsura ko? Parang ang bilis-bilis ko raw tumanda, saka talagang para akong nalalantang gulay! What an insult!” reklamo niya kay Female Personality B.
Ang hirit naman ng kanyang pinagsumbungan, “Sa­na, sinabi mong hindi ka kasi mahilig sa salamat po, doktor! Sana, sinabi mo na alam mong operada siya, fake ang halos lahat ng parte ng mukha niya! Naku, ‘no! Sabay pa nga silang nagpa­opera ng nanay niyang mukhang ibinabad na sa alcohol ang face ngayon!

Super-plastic nga raw ang aktres, iba ang sinasabi nito sa kanyang ginagawa, kaya madalas itong napupuno’t nadudulo sa mga tsismis. Hindi na lang daw kasi ito makuntento sa kanyang buhay na tahimik dahil wala itong trabaho.

Ha! Ha! Ha! Ha!

James kulang sa ef­fort na makipagkita kay Bimby

HANGGANG sa ibang bansa ay bumiyahe na ang masasakit na salitang ipinukol ni Kris Aquino laban kay James Yap. Sa tindi ng teknolohiya ngayon ay segundo lang ang kailangang bilangin para malaman na ng buong mundo ang mga nagaganap dito sa Pilipinas.

Maraming ina ang nakakaunawa kay Kris, pero meron ding mga nanay na nagmamalasakit sa kinabukasan ng kanilang mga anak ang kumokontra sa mga sinabi ni Kris, sana raw ay itapon na ng aktres ang poot kay James na hindi nagpapatahimik sa kanyang kunsensiya.

Komento ng isang kaibigan naming ma­tagal nang naninirahan sa Virginia, USA, “Hanggang ngayon pa ba naman ‘yan? Paulit-ulit na lang! Parang palagi na lang niyang isinusumbat kay James ang milyones na naging share niya nu’ng maghatian sila ng properties?

“Ang talino niya, di ba? Bakit kasi hindi niya pinapirma si James ng pre-nuptial agreement bago sila nagpakasal? Di sana, wala siyang pinanghihina­yangang milyones nga­yon?” komento ng aming kaibigan.

Mas mauunawaan sana ng publiko ang sentim­yento ni Kris ngayon kung itinuon niya na lang ang paksa sa pagiging ama ni James kay Bimby. Du’n ay maraming kakampi sa kanya.

Totoo naman kasing kulang na kulang sa effort si James para magkita silang mag-ama. E, ano kung humaharang si Kris sa kanilang pagkikita? Bilang ama ay kailangang ipaglaban ng basketbolista ang kanyang karapatan sa bata. Hindi dapat tumigil si James sa paggawa ng paraan para maiparamdam nito ang kanyang pagmamahal kay Bimby.

Hindi sa text lang, hindi sa pagpo-post lang ng mensahe ng pagmamahal, kailangang regular na iparamdam ni James kay Bimby ang kanyang pagkaama nang harap-harapan.