Abante Tonite Interactive

Female celebrity source ng party drugs

2,145

Totoo ba itong kuwentong nakarating sa amin? Para kasing mahirap paniwalaan ang impormasyon. Pero hindi puwedeng magkamali ang maraming nagpapatotoo tung­kol sa kakaibang raket ng tinutukoy nilang female personality.

Sa biglang tingin ay parang hindi niya magagawa ang istoryang ikinakabit sa kanyang pangalan, kilala ang female personality sa pagiging vain, sobra ang tutok ng babae sa kanyang mukha at katawan.

Pero gaano katotoo na siya ang pinanggagalingan ng ipinagbabawal na gamot na kung tawagin ay party drugs? Maraming artista diumano ang kanyang suki, siya ang itinuturong pasimuno sa nasabing bisyo, nakarating na kaya sa pinaka-boss niya sa isang network ang balitang ito?

Kapag may nangyaring hulihan isang araw ay siguradong mabubulabog ang istasyong pinagseserbisyuhan ng female personality, maraming mawiwindang, dahil malayo sa kanyang itsura ang pinag-uusapang raket na ginagawa ng babaeng personalidad.

Paalala pa ng aming source, “Markado na ang pangalan niya, mainit na siya sa mga mata ng mga otoridad, huwag na kayong magulat pagdating ng araw na ‘yun.”

Afraid!

Aktres kinalasan ng male personality

Naging paksa sa isang malaking umpukan isang gabi ang isang kilala at magandang aktres. Para raw kasing lumilipad sa alapaap ng kaligayahan ngayon ang female personality dahil sa pagiging malambing ng kanyang boyfriend.

Sabi ng isang miron sa umpukan, “Puwedeng pina­sasakitan lang ni girl ang ex niyang male personality na kinalasan siya. Masakit nga naman ‘yun, akala niya, e, magtatagal pa sila o baka maging sila na talaga, pero ang guy pa ang nakipag-break sa kanya.

“At hindi maganda ang break-up nila, maraming kuwento, like hindi na kasi natagalan nu’ng lalaki ang ugali ni girl. Ang dami-da­ming kuwento!” komento ng source.

Sobrang malambing daw kasi ang karelasyon niya nga­yon, very loving and caring­, pero hanggang kailan daw naman kaya ‘yun dahil dati nang nakipagrelasyon sa mga artista ang lalaki pero hanggang sa umpisa lang daw naman ito generous sa kanyang pagmamahal.

“Naku, asang-asa na si girl na hahantong sa altar ang relasyon nila. Ganu’n? E, lahat naman ng nakakarelasyon ng lalaking ‘yun, e, pinangangakuan niya ng kasal, bago pa ba naman ‘yun? Nganga rin siya, sigurado ‘yun!” sabi naman ng isa pang impormante sa umpukan.

Korina bumubuhay ng patay

Nakakuwentuhan namin ang isang source na malapit sa palabang news anchor na si Korina Sanchez. Kinumusta namin si Ate Koring at ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon.

Ayon sa aming kausap ay cool na cool lang ang misis ni Mar Roxas, abalang-abala sa kanyang programa at sa pag-aalaga ng kanyang mga ha­laman sa malawak na hardin ng bahay ng pulitiko niyang mister, hayahay na hayahay ang mundo ni Korina.

Sa tanong kung hindi man lang ba naapektuhan si Ate Koring sa mga pinagsasabi ni Kris Aquino ay natawa lang ang aming source. Umiling lang ito.

“May ibinigay ba siyang sagot? May naramdaman ba kayong affected siya? Hindi siya papatulan ni Madam, malayong mangyari ‘yun. Namimili lang siya ng isyung sasagutin, sayang naman kasi talaga ang oras niya sa mga walang kawawaang bagay,” mahinahon pero kumakagat na komento ng kausap naming malapit kay Ate Koring.

Totoo ang sinabi nito, na­pakaluntian naman talaga ng garden nila ni Kuyang Mar sa Bahay Na Puti kung tawagin sa P. Tuazon, napa­kagandang halamanan ‘yun.
Malamig ang mga kamay ni Korina sa paghahalaman, patay na ay kayang-kaya pa niyang buhayin, ganu’n kaganda ang mga kamay ni Ate Koring.