Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female performer hinarang ni madir sa mga type magpa-picture

0 74

Natutuwa ang mga kababayan nating nagtatrabaho sa paliparan dahil mag-isa nang bumibiyahe ngayon ang isang sikat na female performer. Hindi na niya kasama ang kanyang ina.

Matagal na panahon kasing kapag bumibiyahe ang popular na female performer ay palagi niyang kasama ang kanyang mommy na akala mo doberman sa pagbabantay sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Naku, napakaraming kuwento ng mga manggagawa natin sa airport tungkol sa mommy ng sikat na female performer na ‘yon! Sobrang dami!

“Natural, gustong magpa-picture ng mga kababayan natin sa girl, di ba? Aba naman, palalampasin pa ba nila ang pagkakataon, e, sikat na sikat ang female performer!

“Nu’ng time na ‘yon, e, pinag-uusapan siya sa buong mundo, napakahusay kasi niyang singer-actress, kaya tayo pa ba namang mga Pinoy ang hindi magpaparetrato na katabi siya?” unang sultada ng aming impormante.

Sobra kasi siyang guwardiyahan ng mommy niya, talagang tutok na tutok si madir sa kanyang anak, kaya palaging nabibigo ang mga lumalapit sa female performer.

SM food to go Banner Ad

Patuloy ng aming source, “Papalapit pa lang ang mga magpapa-picture sa anak niya, e, nakaharang na agad si madir! Talagang ihinaharang niya ang katawan niya para walang makalapit sa anak niya!

“Meron pa siyang sinasabi, ‘She’s so tired. She needs enough rest!’ Ano ba naman ang ilang segundo lang na ibibigay ng girl sa mga nakikipag-selfie? Ikapapagod na ba naman niya ‘yon?

“Ganu’n palagi ang kanyang mommy, talagang bantay-sarado ang anak niya, ayaw niyang palapitan sa mga utaw! Pero ngayon, e, hindi na madalas sumasama sa biyahe si madir!

“Wala nang kasamang bantay ang girl, kaya mabilis na silang nakakapagpa-picture! Wala nang nagbabawal sa kanila, wala nang nagsasabing pagod na pagod ang anak niya!

“Saka hindi na ganu’n katindi ang kasikatan ngayon ng female performer, lumipas na rin ‘yong panahon na talagang kahit sa ibang bansa, e, pinagkakaguluhan siya!

“Alam ‘yon ni mommy, kaya hindi na siya sumasama sa mga biyahe, mas gusto na siguro niyang bumiyahe nang mag-isa papunta sa Saigon!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Leave A Reply

Your email address will not be published.