Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality 2 dekada na ang paandar sa ex

0 144

Dahil sa walang humpay na pag-alala ng isang kilalang female personality sa kanyang nakaraang pag-ibig ay hindi napigilan ng mga kababayan natin ang pagwa-one plus one.

Kitang-kita ang mga ebidensiya na hanggang ngayon pala ay itinuturing pa ring dakilang pag-ibig ng aktres ang kanyang dating karelasyong male personality.

Kuwento ng aming source, “Hindi siya mapakali! Kung anu-anong patunay ang inilalabas niya tungkol sa past nila ng male personality!

“So, maraming nag-iisip na dahil ang lalaking ‘yun ang tunay niyang pag-ibig, e, saan nakalugar ang napangasawa niya na nakahiwalay rin?” tanong-opinyon ng aming impormante.

Kung paniniwalaan ang mga kuwento, lalo na ng kampo ng male personality, ay matagal na silang hiwalay nang maganap ang trahedya sa buhay ng aktor.

Kuwento uli ng aming source, “Matagal na pala silang hiwalay, e, bakit nu’ng may mangyari sa male personality, ang drama ng girl, e, sila pa rin?

“Kung makahagulgol siya, e, parang wala nang tomorrow, samantalang matagal na pala silang break at wala nang pakialaman?

“Saka nu’ng bago pa nangyari ang nakalulungkot na scenario tungkol sa male personality, e, sila na ng isang kilalang male personality. May ipinalit na siya agad!” madiing sabi pa ng aming source.

Sila ng male personality ang nagkatuluyan, nagkaroon sila ng anak, pero pagkatapos lang nang ilang taon ay nagkahiwalay rin sila. Matindi ang hiwalayang ‘yun dahil nauwi pa sa demandahan.

Balik-kuwento ng aming impormante, “So, lumalabas na dahil hindi nga makalimutan ng girl ang dakila niyang pag-ibig, e, ‘yun mismo ang dahilan kung bakit hindi nagtagal ang relasyon nila ng pinakasalan niya?

“Ang nasa utak at puso pa rin pala ng girl, e, ang male personality na kailanman, e, hindi na niya makikita dahil hiwalay na ang mga mundo nila?

“Nakakalokah! Dalawang dekada na ang nakararaan, e, ganyan pa rin ang girl? Patahimikin na sana niya ang kaluluwa nu’ng dati niyang karelasyon!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Tantanan na niya ang paglalabas ng kung anu-anong ebidensiya kung gaano siya kamahal nu’ng tao! Napakabilis nga niyang napalitan ang sinasabi niyang dakilang pag-ibig, di ba?” naiinis na pagtatapos ng aming source.

Digong nambulabog sa hulaan

Heto na. Hindi na sa showbiz lang uso ang mga blind item. Ang mga pitik-bulag na pinagpipistahan ng mga kababayan natin.

Nag-blind item na rin si Pangulong Rodrigo Duterte. At hindi pinahirapan ng presidente ang bayan sa panghuhula, nagbigay pa siya ng mga clue kung sino ang kanyang tinutukoy, bigay na bigay ang kanyang pahulaan.

Ayon sa pangulo ay may isang kumakandidato sa isang mataas na posisyon na gumagamit ng cocaine. Yayamanin daw ang politiko, kabarkada ng mga taga-Davao na mga bukod ding pinagpala, sila-sila kuno ang sumisinghut-singhot ng cocaine.

Wala raw namang nagagawa ang politiko, panay-panay lang ang paggamit nito sa pangalan ng kanyang ama, weak leader daw ang bumibida sa kanyang blind item.

Iba ang dating ng blind item, parang suwero ‘yun sa mga mahiligin sa tsismis, para bang kumpleto na ang buhay ng mga kababayan natin kapag nahuhulaan nila kung sino ang starring sa pitik-bulag.

Reaksiyon ng isang kasamahan namin sa panulat, “Ano ba naman ‘yan? Parang aagawan pa tayo ng hanapbuhay ni PRRD! Nagba-blind item na rin siya!”

Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

Natural, maraming nakahula kung sino ang tinutukoy ng pangulo sa kanyang BI, binulabog ng pangulo ang lahat ng sektor sa panghuhula kung sino ang kanyang pinatatamaan.

Pasok sa banga ang mga ibinigay na clue ng pangulo, meron nang pangalan sa kanilang isip, ang tanong na lang ay kung may katotohanan ‘yun o kuwentong-barbero lang?

Ahahaha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.