Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality adik sa retoke

0 60

Sa isang kilalang parlor ay dumating ang isang kilalang female personality. Hindi siya pinapansin ng mga kostumer. Para siguro mapansin siya ay panay-panay ang pakikipagkuwentuhan niya sa telepono.

Paulit-ulit na sinasabi ng babaeng personalidad, “Kalalabas ko lang mula sa lock-in taping! Maganda ang ganu’n, mabilis ang trabaho, wala kasing ibang nakapapasok sa location!

“Kapag sa labas kasi ang trabaho, e, maraming fans na nagkakagulo, malaking abala ‘yun para sa production! Kapag lock-in, kayu-kayo lang ang nandu’n, walang mga fans!” kuwento ng aktres sa kanyang kausap sa telepono.

Wala pa ring pumapansin sa kanya, kaya tumawag na naman siya sa isang kaibigan, sa pagkakataong ‘yun ay nag-isip na ang mga nasa parlor kung sino siya.

Kuwento ng aming source, “Wala talagang pumapansin sa kanya, hindi siya kilala ng mga nandu’n, pero nu’ng magkuwento na siya tungkol sa taping, e, may mga na-curious na kung sino siya.

“May magkasamang nagtatanungan, sino raw ba ang babaeng ‘yun? Bakit hindi naman nila mamukhaan? Artista raw ba siya? Kuwento pa rin siya nang kuwento tungkol sa taping, wala pa ring makakilala sa kanya, kaya nagtanong na ang isang customer sa taga-parlor kung sino siya.

“Sagot ng tinanong, ‘Madam, si ano po siya, si ____(may kahabaang pangalan ng female personality).’

“Naloka ang magkumare, anyare? Bakit iba na ang itsura ng female personality? Ibang-iba na nga, halos wala nang naiwan sa dati niyang itsura? Nagbago na ang ilong niya, ang mga mata niya, hindi na nga siya makikilala kung hindi siya tititigan!

“Malaki na kasi ang ipinagbago ng sexy star, talagang nagpa-overhaul na siya ng face, baka nga ang ex niyang action star, e, hindi na rin siya makilala ngayon!

“Naadik siya sa kapapasalamat po, doktor, halos ipinagawa na niya ang buong mukha at katawan niya, kaya hindi na siya makikilala!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Totoo, nakakainis naman, di ba? Pinag-iisip pa niya ang mga nakakasalamuha niya kung sino siya, Kainis!” napapailing na kuwento ng pagtatapos ng aming impormante.

Rica ‘pinabayaan’ ni Piolo

Minsan na nga lang umeksena ang matagal nang nagpapahingang aktres na si Rica Peralejo pero kinukuwestiyon pa ang kanyang rebelasyon. Nagpakatotoo lang si Rica na nagkaroon sila ng relasyon ni Piolo Pascual pero pinagdududahan ‘yun.

Bakit nga ba hanggang ngayon ay kinukuwestiyon pa rin ang pakikipagrelasyon ni Piolo? Nagkakaedad na ang singer-actor at nag-eendorso na nga ng produktong nakapagpapagaling sa pananakit ng likod at mga kasu-kasuan pero ‘yun at ‘yun pa rin ang isyu tungkol sa kanya.

Totoo naman ang rebelasyon ni Rica, tandang-tanda pa namin ang emosyon ng kanyang inang si Mommy Alice habang magkarelasyon sila ni Piolo, maraming naninira sa aktres.

Sabi pa nu’n ng mommy ni Rica, “Ito namang si PJ (Piolo), inuupakan na nga si Rica, pero wala man lang ginagawa! Pinababayaan lang niya, nakakaawa naman ang anak ko!”

Kasagsagan kasi ‘yun ng tambalang Piolo-Judy Ann Santos, bantay-sarado sila ng kanilang mga tagahanga, sinumang lalaki o babaeng pumasok sa eksena ay ayaw ng mga ito.

Kahit naman si Ryan Agoncillo ay tinangka ring harangan ng mga Piolo-Juday fans, pero nanindigan ang aktres, hanggang sa ikasal na nga sila ni Ryan.

Tinangkang ilihim nina Piolo at Rica ang kanilang relasyon pero kalaunan ay marami ring nakapagpatotoo na sila nga.

Na hanggang ngayon ay ayaw paniwalaan ng mas nakararami, tsismis lang daw ‘yun, kaya kinukuwestiyon nila ang rebelasyon ni Rica Peralejo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.