Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality adik sa retoke

0 75

May iba-ibang klase ng addiction. Pinakapalasak ang pagiging adik sa ipinagbabawal na gamot. Meron ding naaadik sa pagpapa-tattoo.

Meron ding adik sa pagsi-shopping at may nagiging adik sa pagpaparetoke ng mukha at katawan. ‘Yun ang walang palyang pagpaparetoke ng isang kilalang female personality.

Pero bago ang tinutumbok nitong babaeng personalidad ay meron munang patikim ang impormante tungkol sa magpinsang aktres na talagang halos sa clinic na ng isang sikat na doktora nakatira.

Ang kanyang unang kuwento, “Grabe ang magpinsang artistang ‘yun! Bibihira na lang silang nakikita sa bahay nila, kasi nga, e, halos du’n na sila nakatira sa clinic ng isang sikat na doktora!

“Nakaabang silang dalawa palagi kung anong bagong proseso ng pagpapaganda ang inio-offer ng clinic ni dok, sila ang nauuna sa pila, hindi sila nagpapahuli!

“Buti nga at medyo pumreno na sila ngayon dahil nagbabago na ang itsura nila, baka hindi na sila makilala kahit ng mga kapamilya nila kapag ipinagpatuloy pa rin nila ang pag-undergo sa kung anu-anong proseso!” natatawang buwena-manong kuwento ng aming impormante.

May isang female personality na dati nang maganda pero kung bakit naisipan pa niyang magpabago ng iba-ibang bahagi ng mukha niya. Sunud-sunod ang operasyong pinagdaanan niya.

“Hindi siya tumatanggap ng work nu’ng kasalukuyan siyang adik na adik sa pagpaparetoke. Marami siyang pinalampas na trabaho para lang matutukan niya ang sunud-sunod na pagpapaopera niya.

“Siyempre, pinadagdagan niya ang bridge ang ilong niyang hindi naman actually pango, pinalakihan niya ang mga mata niya, nagpabawas din siya ng baba para mas pansin na pansin ang mga panga niya.

“’Yun ang time na palaging nakabenda ang face niya, clinic-bahay lang ang destinasyon niya nu’n, hindi siya nagpapakita sa publiko.

“Buti na lang at nagising na siya sa katotohanang ibang-iba na ang itsura niya, naging kahawig niya na ang isang namatay na sikat na banyagang Pop Icon, kaya tinigilan na niya ang pagkaadik sa retoke.

“Mas maganda na siya ngayon dahil meron naman siyang ipinatanggal, mas marami talagang nagagandahan sa kanya ngayong parang natural na ang beauty niya, bumalik ang malakas niyang appeal sa mga kalalakihan dahil sexy rin siya,” pagtatapos ng aming source.

-o0o-

Daniel suplado, Alden walang attitude

Pinagsasabong ngayon sina Alden Richards at Daniel Padilla. Sa unang araw kasi ng bentahan ng tickets para sa virtual concert ni Alden sa December 8 ay grabe ang pila.

Sa unang araw pa lang ay soldout agad ang mga VIP tickets at patuloy pang humahataw sa bentahan ang lahat ng outlets ng concert ng Pambansang Bae.

Kahit may pandemya ay pinaghandaan ng mga tagasuporta ni Alden ang mataas na presyo ng tickets na 1,200 at isang libo. Malayo ang presyuhan ng kanyang concert tickets sa nakaraang concert ni Daniel Padilla na ibinaba raw talaga para mas maraming mapagbigyang makapanood.

Natural lang na silang dalawa ang pagtapatin dahil sa hanay ng mga kabataang artista ngayon ay sila ang pinakamatagumpay. Hindi nagkakahuli ang kanilang popularidad.

Lalaking walang pahinga ang tawag ngayon ng mga kababayan natin kay Alden Richards dahil napakarami niyang proyekto. Hindi siya pinababayaan ng GMA-7, sunud-sunod ang kanyang TVC, may regular pa siyang exposure sa Eat… Bulaga at sa Sunday show ng kanilang network.

Pero may malaking pagkakaiba ang dalawang sikat na aktor, maraming kuwentong lumalabas tungkol sa pagiging suplado ni Daniel, habang wala naman tayong naririnig na anumang hindi kagandahang ugaling nakikita kay Alden Richards ang publiko.

Inaangkin ng Pambansang Bae ang kredito bilang mapagkumbaba, matanaw ng utang na loob, mabait na anak, kapatid at apo.

Sabi nga ng kaibigan naming propesor, “No way but up si Alden dahil sa kabutihan ng puso niya. Very low key siya despite his popularity, mapuso pa siya sa maliliit, kaya talagang magiging mabait sa kanya ang kapalaran.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.