Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality amoy alak sa show

0 76

Mahihirapang kalimutan ng isang source ang mga kuwento tungkol sa isang kilalang female personality na matagal na naging bahagi ng isang sikat na programa.

Matagal din kasi itong nagtrabaho sa nasabing produksiyon, alam na alam na ng source ang likaw ng bituka ng mga hosts ng show, lalo na ang female personality na bumibida sa kuwentong ito.

Kuwento ng impormante, “Naku, hanggang sa panaginip ko, hindi na siya mabubura pa. Nakakaloka ang babaeng ‘yun, marami siyang kakuwanan sa buhay!

“Isa siyang woman of the world, napaka-liberated niya, wala siyang pakialam sa kung anumang sasabihin ng kahit sino tungkol sa kanya,” unang istorya ng aming source.

Mahilig magnomo-nomo ang female personality na ito, sa halip na ipahinga niya na lang ang mga sobra niyang oras mula sa pagtatrabaho, lumalabas pa siya sa gabi para lang makipag-inuman.

Patuloy ng aming impormante, “Kaya naman palagi siyang late sa show nila. Magdamag ka ba namang makipagnomohan, natural, may sipa pa ‘yun sa umaga. May hangover siyempre siya!

“So, ang work niya ang nalalagay sa alanganin. Late na siyang nagigising, masakit pa ang ulo niya, kaya late na rin siyang dumarating sa studio para sa trabaho niya!

“Imperness, magaling naman siyang host, maganda rin siya, pero humaharap siya sa mga camera na parang hindi prepared! Hindi na niya makuhang magpaayos bago humarap sa mga camera, kasi nga, kailangan na niyang sumalang agad dahil late siya!

“May mga nagpapayo sa kanya na huwag na kasi siyang lumalabas pa sa gabi, pero wala naman siyang pinakikinggan, nomo kung nomo pa rin siya kasama ang mga kaibigan niya!

“Marami ngang nagkukuwento na amoy alak pa rin siya sa set kahit nakapaligo na siya! Kumapit na sa katawan niya ang amoy ng iniinom niya! Wala kasing pamilya dito ang girl, kaya ganu’n siya, strike everywhere!

“Hindi na siya active ngayon, pero siguradong nagmamamam pa rin siya, ‘yun na kasi ang kaligayahan niya! Nakikipagbulagaan na siya sa buhay ngayon,” pagtatapos ng aming source.

BB ‘di kayang magtago ng sikreto

Hindi namin alam kung saan nanggagaling si BB Gandanghari at kung saan siya pupunta. Muli niyang binuhay ang matagal na niyang pinatay na si Rustom Padilla sa kanyang You Tube vlog na pinagpipistahan ngayon.

Binalikan niya kasi ang nakaraan kung kailan talaga napukaw ang kanyang damdamin na isa nga siyang bakla. At sa kamalayan niyang ‘yun ay kinaladkad niya ang pangalang Jonathan na isang kilalang aktor na nakahalikan niya nang ilang beses at nakayakapan sa kanilang pribadong pagkakataon.

Nakakahiya para sa Jonathan na sinasabi niya sa kanyang rebelasyon ang kuwento na ang lalaki pang tinutukoy niya ang malandi. Ito ang nagyayaya sa kanya, ito ang mainit, ito ang nanghahalina sa kanya para bumiyahe sila sa langit ng kaligayahan.

Nakakatakot ang matabil na dila ni Rustom Padilla. Hindi niya kayang magtago ng sikreto. Lahat-lahat ay kaya niyang tanggalan ng talukbong para lang magtagumpay ang kanyang account.

Piolo dawit sa litanya

Bakit si Piolo Pascual ang unang pumasok sa utak ng mga nakapanood ng vlog ni BB Gandanghari na binuhay uli ang matagal nang nakalibing niyang pangalang Rustom Padilla?

Bigay na bigay ang dahilan. Sinimulan niya kasi ang kanyang litanya sa pagsasama nila ni Piolo sa isang stageplay sa San Francisco, California.

Sa kanyang mga kuwento ay nag-click agad sila ni Piolo, nu’ng magkaroon daw ng pagkakataong magkatabi sila sa sasakyan pabalik sa hotel ay tinanong pa siya ni Piolo kung ano ang gagawin niya kinabukasan, kung saan sila tumakas sa grupo at naglakad lang sila nang naglakad ni Piolo hanggang sa malaman nilang dalawang oras na pala silang magkasama at hinahanap na sila ng kanilang mga kasamahan.

Sino ang hindi mag-iisip na si Piolo Pascual ang tinutukoy niyang Jonathan? Nagtago si Rustom, pero kitang-kita pa rin naman siya habang nagkukubli, bigay na bigay kung sino ang lalaking itinago niya sa pangalan Jonathan pero lantaran din naman niyang ibinulgar.

Hmph!

Leave A Reply

Your email address will not be published.