Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality amoy hiwalayan sa lasinggerong aktor

0 128

Para sa nakararami ay pagpapanggap na lang ang ipinakikita ngayon ng isang magkarelasyong inakala pa naman ng kanilang mga kaibigan na magtatagal. Maganda kasi ang kanilang pagsisimula.

Pero sumablay ang mga nagmamahal at nagmamalasakit sa magkarelasyon, ngayon ay magulo na ang kanilang pagsasama, kaunting panahon na lang at mapapatid na rin ang tali na nagbubuhol sa kanilang relasyon.

Kuwento ng aming source, “Sayang! Napakarami pa namang pumupuri sa kanila nu’ng umpisa, hindi tinalikuran ng guy ang girl, talagang inalagaan siya nang todo.

“Imagine, ang babata pa nila, pero ang datingan nila nu’ng mapabalitang preggy ang female personality, e, napakaresponsable nilang mga magulang, di ba?” unang hirit ng aming impormante.

Sinuportahan ng mga magulang ng aktor ang nagdadalantaong karelasyon nito, sa ibang bansa nanganak ang female personality, kitang-kita ang kaligayahan nila nang dumating ang kanilang munting anghel.

Patuloy ng aming source, “Pero nagbabago ang tao habang nagtatagal. Nahilig sa sobrang pag-inom ang male personality. Naging malaking problema ‘yon sa girl dahil nagiging wild ang guy kapag nakakatungga na ng agua de pataranta.

“Nagbabasag siya ng mga kagamitan, nagsasalita nang masakit, kaya takot na takot na ang girl kapag nakakainom na ang father ng anak niya.

“E, may takot na nu’n pa ang girl sa ganu’n, galing siya sa relasyon na ang pag-inom din ang naging problema niya sa ex niya! Kaya dala-dala pa rin niya hanggang ngayon ang takot niya sa mga lalaking naglalasing.

“Naging madalas ang away nila, ang pagmamahalan nila, e, napalitan ng mga gulo, gusto nang sumuko ng girl! One day, huwag na tayong magtataka kapag nag-decide ang girl na umuwi na sa mommy niya!” dagdag na impormasyon pa ng aming impormante.

Kawalan ng trabaho ang iniisip ng kanilang mga kaibigan na dahilan kung bakit napapadalas ang pag-inom ng male personality.

Sabi uli ng aming source, “Nagtural, ano nga naman ang mangyayari sa buhay nila kung wala silang trabaho? E, hindi pa naman kagalingang umarte ang guy, basta guwapo lang siya!

“Nakakapanghinayang na simula, ang ganda-ganda pa naman ng relasyon nila nu’n, pero dahil sa pagtoma ng lalaki, e, nagkaganyan na sila!

“Magkakasama pa sila under one roof, pero hiwalay na ang kanilang tulugan, hindi na rin sila nagkakasundo na hiwalayan na ang nakaabang sa relasyon nila,” pagtatapos ng napapailing naming source.

Leave A Reply

Your email address will not be published.