Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality ayaw isuko ang virginity

0 345

Nakakailang relasyon na rin ang isang kilalang female personality. Matagal siyang humawak ng relasyon, nakakailang taon sila ng kanyang boyfriend, kaya nga lang ay nakapanghihinayang na sa hiwalayan din ‘yun nauuwi.

May kuwentong umikot nu’n na kapag ang kanyang pinakaiingatang kabirhenan na ang sangkot sa senaryo ay nakikipaghiwalay na ang female personality sa kanyang boyfriend.

Sabi ng aming source, “Nu’n, ang kumalat na kuwento, kapag mapilit na raw ang guy na magkaroon sila ng sex, e, nauuntog na sa katotohanan ang girl.

“Nakikipaghiwalay na siya, hindi niya isinusuko kumbaga ang Bataan, ‘yun ang naging problema nu’n ng nakarelasyon niyang male personality na kilalang mainit ang libido.

“Ganu’n din ang nangyari sa relasyon nila ng isa pang male personality, hindi rin daw pumayag ang girl sa gustong mangyari nu’ng guy!

“Hanggang sa mauwi na rin sa break-up ang samahan nila. ‘Yun ang kuwento nu’n, ewan lang kung napapanindigan pa rin niya hanggang ngayon ang lumutang na dahilan nu’n ng pakikipaghiwalay niya sa karelasyon niya,” mahabang unang sultada ng aming source.

May karelasyon uli ngayon ang kilalang female personality. Hindi artista ang lalaki pero parang artista na rin ito dahil nakalinya ang kanyang trabaho sa mga artista.

Komento uli ng aming impormante, “Ewan lang kung ganu’n pa rin ang stand ng girl, ha? Na kapag sex na ang ipinipilit ng guy, e, naiisip na niyang makipaghiwalay dahil gusto niyang i-keep ang pagkabirhen niya.

“Lantad na ang relasyon nila, ayaw lang nilang magpa-interview, sa kanila na lang daw ‘yun at ibalato na lang sa kanila.

“Kilalang playboy ang karelasoyn ngayon ng girl, bukod sa isang female personality na nakarelasyon niya at naanakan, marami pang ibang pangalang nali-link sa guy!

“Tignan na lang natin. Kapag nag-break din sila, e, alam na this! Hindi pumayag ang girl na isuko ang kanyang virginity!” madiing-madiin na pagtatapos ng aming source.

Sharon nagsakripisyo kay KC

‘Yung pinakahuling post ni Sharon Cuneta na kung tawagin ng mas nakararami ay emotera time ay para kay KC Concepcion. Ganu’n ang basa namin sa kabuuan ng kanyang post.

Sinimulan ni Sharon ang kuwento na nu’ng gawin niya ang pelikulang “Pasan Ko Ang Daigdig” ay literal niya talagang pinasan ang mundo dahil sa paghihiwalay nila ni Gabby Concepcion.

‘Yun ang mga panahong hindi siya makakain dahil wala siyang panlasa. Hindi siya makatulog dahil napakasakit ng nangyari sa kanilang relasyon ng aktor na sinubukan nilang isalba nang maraming beses.

Idiniin ni Sharon na ang tanging pinaghuhugutan niya nu’n ng inspirasyon ay ang kanyang anak na si KC. Inabala niya ang kanyang sarili, nagtrabaho siyang parang kalabaw, para sa mga pangangailangan ng kanyang anak na si KC.

Kinukuha na raw siya ng kanyang mga magulang nu’n, pero hindi siya pumayag, ipinaramdam niya sa kanyang anak na hindi ang pagiging palaasa na lang sa ibang tao ang pinakamagandang solusyon sa pag-iisa.

At nagtagumpay naman si Sharon na palakihin si KC nang mag-isa. Pinakamagandang eskuwelahan, mga pagbiyahe na bata pa lang si KC ay nakasanayan na nito, lahat-lahat ay para kay KC ayon kay Sharon.

Hanggang sa pagpapakasal niya kay Senator Kiko ay si KC pa rin ang kanyang inisip. Puro para kay KC ang mga hakbang na ginawa niya sa kanyang personal na buhay.

Patagilid na sagot ni Sharon sa kalungkutan ni KC bilang anak ang kanyang litanya. Hindi nag-iisa si KC, mahal na mahal niya ang kanyang panganay, ang lahat ng pagsasakripisyong ginawa niya nu’n ay para kay KC.

Leave A Reply

Your email address will not be published.