Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality babad sa condo ng hunk actor

0 874

Maiigsi lang ang blind item na ibinato ng isa naming source. Ganu’n nga lang kaigsi, pero rock naman, sabi nga ng mga nakikinig sa kuwento.

Nakatira sa isang condominium unit ang isang guwapo at pamosong male personality. Natural, madalas magpunta du’n ang kanyang girlfriend, halos maghapon at magdamag itong nagbababad sa condo unit ng kanyang boyfriend.

E, pinagdududahan ang gender ng hunk actor, kaya ang mga miron ay nagtatanungan kung ano kaya ang pinagkakaabalahan nila kapag nandu’n ang female personality?

May nagsabi, “Siguro, luto lang sila nang luto, kasi, mahilig magluto ang girl! Kaya siguro nadadagdagan ang timbang ng guy!”

Sabi naman ng isa pang source, “Kapag dumarating ang girlfriend niya, e, nakalugay ang hair! As in, mukhang kapapaligo lang kasi!

“Kapag umuuwi na ang girl, e, nakatirintas na siya! Alangan namang siya pa mismo ang nagtirintas ng hair niya!” humahalakhak na sabi ng source.

‘Yun lang!

Sexy actress walang dyug sa dyowang singer

Naging magkarelasyon ang isang magaling na male singer at ang isang sexy actress. Nagtagal din ang kanilang relasyon pero nauwi sa hiwalayan, ang sexy actress ang nakipagkalas, bakit kaya?

Kuwento ng aming source, “Kilala sa pagiging mahilig ang girl, di ba? Papalit-palit siya ng kachurvahan, basta type lang niya, ‘yun lang ang dahilan.

“Kahit nga kapag nagso-show siya sa ibang bansa, e, nakikita siya ng mga kasamahan niyang performer na nang-iimbita ng guy sa hotel room niya!

“Nagkahiwalay sila dahil luging-lugi ang girl sa boyfriend niyang singer! Sobrang busy, hanggang puro tawagan lang ang nangyayari sa kanila!

“Puwede ba naman ‘yun sa girl? Natural, naghahanap siya ng panahon na silang dalawa lang ang magkasama at naglalambingan! Hindi ‘yun maibigay sa kanya ng male singer dahil sa dami ng kanyang trabaho!

“Dumadaan daw naman sa house niya ang singer, pero sandaling-sandali lang! Hahalikan lang siya sa noo, tapos, umaalis na rin agad!

“Sabi ng sexy actress sa kaibigan niya ‘Ano ‘yun? Anong klaseng relasyon ang meron kami? Dadaan siya sa bahay ko, hahalikan ako sa noo! Ano ako, lola niya?’

“Ayun, nag-break sila, ang girl ang nakipaghiwalay, dahil wala raw siyang napapala sa boyfriend niyang guwapo nga, pero wala namang hilig sa sex!” humahalakhak pa ring pagtatapos ng aming impormante.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Bea kinainisan ng tropa ni Dominic

Hindi na pala masyadong nagkakasama ngayon sina Bea Alonzo at Dominic Roque. Ayon sa kuwento ng isang kaibigan namin ay naiinis daw kay Bea ang mga katropa ng aktor.

May mga kabarkada kasing artista si Dominic, marami silang aktibidad, paminsan-minsan ay sumasama raw sa kanya si Bea. Pero kapag may nagtatanong sa aktres kung sila na ba ni Dominic ay parang napakalaking isyu ‘yun para sa kanya.

Sabi ng aming source, “Imagine, magkakaharap sila ng mga katropa ni Dominic, grabe siyang mag-react, para siyang nakakita ng multo na takot na takot sa pagdedenay!

“Natural, parang naawa kay Dom ang mga katropa niya. Okey lang namang linawin niya ‘yun nang maayos, pero OA ang pagdedenay niya!” sabi ng aming kausap.

Pinayuhan din daw ng kanyang mga kapamilya si Dominic Roque na tigilan na ang pagbuntut-buntot kay Bea, tutal naman ay napakatagal na nilang nagde-date, pero wala pa rin namang resulta ‘yun dahil idinidinay siya ni Bea.

Ang tanong. Ano naman ang aaminin ni Bea Alonzo kung totoo namang wala silang relasyon ni Dominic Roque? Alangan namang magsinungaling pa ang aktres para lang matuwa ang mga kaibigan ni Dom?

Leave A Reply

Your email address will not be published.