Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality baon sa utang

0 253

Matagal na panahon nang nananahimik ang isang pamosong babaeng personalidad. Walang nababalitaan ang publiko tungkol sa kanya, wala rin siyang pinagkakaabalahang proyekto, ano na ba ang nangyayari sa kanya?

Maging ang kanyang lovelife ay tahimik din, hindi sanay ang marami na wala siyang karelasyon, kaya ano ba ang tinututukan niya ngayon?

Isang source ang nagkuwento, “Nakakalungkot nga, mukhang ayaw na niyang mag-artista. Lumaki kasi siya, hindi na mapigil ang paglobo ng katawan niya.

“In fairness, kahit ganu’n kabigat ang weight niya, e, isa pa rin siya sa pinakamagagandang mukha, napakaganda niya, hindi siya alipin ng make-up,” unang kuwento ng aming impormante.

At hanggang ngayon ay hindi pa rin kumukupas ang mga kuwento tungkol sa kanyang kabuhayan showcase. Marami pa rin siyang pinoproblemang obligasyon, pero hindi siya nakapagbabayad, dahil wala naman kasi siyang pagkukunan.

Patuloy ng aming source, “Napakatagal na niyang pagkakautang ‘yun, nu’ng very active pa siya sa pag-aartista, bumabalik-balik na lang ang mga kuwento.

“Siya rin naman kasi ang may kasalanan kung bakit siya nabaon sa pagkakautang, sobra siyang generous, ibang klase siyang makisama at makipagkaibigan.

“Kahit walang okasyon, kapag naisipan niyang mangibang-bansa, e, bitbit niya ang buong family niya at mga kaibigan niya. At heto pa, pati ang buong grupo ng mga dancers niya, e, kasama rin sa biyahe niya!

“Libre na ang lahat, e, may pocket money pa ang mga kasama niya! Kaya ayun, nagkapatung-patong ang bayarin niya sa mga plane tickets, saka sa mga pinagpapalitan niya ng mga post dated checks niya!

“Ganu’n siya ka-generous, kaya siya kinakalampag ng mga maniningil, maraming nakinabang sa mga inutang niya! Hindi lang siya ang naging masaya sa kabibiyahe, buong grupo!” sabi pa ng aming surce.

At may pahabol pa ang aming impormante, “Napaka-lovely niya, sa totoo lang, napakaganda pa rin niya kahit pa dumoble na ang katawan niya.”

Alex kaswal ang pagtuwad

Tinututukan namin ang Lunch Out Loud araw-araw. Bago sa amin ang kanilang mga atake pero ang palagi naming hinihintay ay ang segment na Kantrabaho.

Magagaling ang kanilang celebrity contestants, maging ang mga kababayan nating may kani-kanyang pinagkakaabalahang trabaho, pero mahilig sa pagkanta.

Malaki ang papremyo ng LOL sa segement na ‘yun, beinte mil sa daily winner, sampung libo naman ang maiuuwi ng talo.

May nagkuwento sa amin, “Bumabaha ang pera sa Brightlight Productions, kaliwaan ang talent fee du’n, hindi pink slip na kailangan mo pang maghintay kung kailan mo makukuha!

“’Yun ang reason kung bakit ang dami-daming sumasali sa mga games nila, kinokontak pa nga ng ibang personalities ang talent coordinator ng show, para lang sila makasali.

“Bakit nga naman, sa panahong ito ng pandemya, e, malaking tulong na ang cash prizes ng Lunch Out Loud, di ba?” kuwento ng aming kausap.

Nu’ng Sabado ay sumalang na si Alex Gonzaga sa noontime show, dagdag-aliw siya sa Lunch Out Loud, swak na swak ang kalokahan ni Alex Gonzaga na may pasipa-sipa at patuwad-tuwad pa nang kaswalan.

Panalo ang batuhan nila ng jokes ni Bayani Agbayani, magagaling din ang mga umaayudang sina Jeff Tam at Wacky Kiray, pero siyempre’y si Billy Crawford ang kanilang kapitan sa LOL.

Magtagal sana ang LOL na masarap kasalo sa pananghalian.

Leave A Reply

Your email address will not be published.