Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality batugan ang mister

0 288

Martyr kung tawagin ng kanyang mga kaibigan at katrabaho ang isang masayahing female personality. Kung gaano raw kasi siya kalakas humalakhak ay ganu’n din kabigat ang kanyang mga dalahin sa buhay.

Ganu’n nga raw ang katotohanan ng buhay, kung gaano kamasayahin ang tao ay ganu’n din kalungkot ang kanyang buhay, nakakahinga siya nang maluwag kapag nakapagpapatawa siya.

Kuwento ng isang source, “Kundi ba naman siya martyr, e, gusto niyang sumuko sa buhay, pero heto pa rin siya, trabahong-kalabaw para sa pamilya niya.

“Ilang beses na siyang pinagpayuhan ng mga nagmamalasakit niyang friends na magsarili na lang siya, iwan na niya ang mister niya, pero parang bulag at bingi ang peg ng girl!

“Wala siyang nakikita at wala siyang naririnig, ang pagmamahal pa rin niya sa asawa niya ang palaging panalo,” unang kuwento ng aming impormante.

Isang dating kasambahay ng mag-asawa ang naglabas ng kuwento kung gaano kaawa-awa ang female personality. Martyr din ang pagkakilala nito sa kanyang dating pinagsisilbihan.

“Ayaw pa sanang umalis sa kanila nu’ng kasambahay nila, pero kailangan na niyang magpaalam, mas kailangan siya ng pamilya niya sa probinsiya.

“Naaawa kasi siya sa girl, palagi raw pagod sa pagwo-work, pero kapag umuuwi na siya, e, wala man lang pakinabang sa husband niya, as in, wala talaga!

“Habang nagpapagod pala kasi sa pagtatrabaho ang girl, e, hindi man lang nagbabanat ng buto ang mister niya. Wala lang, palagi lang siyang naglalaro ng games sa computer, kain-tulog-laro lang ang pinagkakaabalahan nu’ng lalaki!

“Tapos, kapag umuuwi na ang girl, e, wala man lang ginagawang pampaalis ng pagod ng wife niya ang male personality, tuloy lang siya sa paglalaro, wala siyang pakinabang!

“Masuwerte siya dahil mahal na mahal siya nu’ng girl, ayaw ring masira ng girl ang family nila, ayaw niya sa broken home, kaya nagtitiis na lang siya sa katamaran ng lalaking ‘yun!

“Hay, naku! Nakalalason talaga ang pag-ibig! Ibang klase ang taong nagmamahal, tanggap lang nang tanggap ng sakit ng kalooban!” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.

Ria dinurog ng fan ni JM

Kung pangit si Ria Atayde ay sino pa ang maganda? Kung hindi maganda ang dalagang aktres ay anu-ano ba ang mga katangian para masabi nating maganda ang isang babae?

Isang super-bastos na nagpakilalang tagahanga ni JM de Guzman na nauugnay kay Ria ang nagpadala ng mensahe sa kanyang Messenger ng mga salitang literal na hindi makakain kahit ng isang asong gutom.

Grabe ang pintas sa kanya ng basher, pisikal at emosyonal ang tama sa kanya, matindi siyang nilait nito. Pangit, mataba, malandi, losyang.

Araw-araw naming natututukan ang Chika, Besh kung saan isa si Ria Atayde sa mga hosts, puro kabaligtaran ng mga tinanggap niyang pamimintas ang nakikita namin nang malayuan, maganda ang anak ni Sylvia Sanchez, simpleng kumilos, dalagang-dalaga ang dating niya, matalino at mapagkumbaba.

Ihinahawig nga naming magkakaibigan si Ria kay KC Concepcion sa ilang anggulo, maganda si KC, alangan namang pangit ang ihinahambing namin sa anak ni Sharon Cuneta?

Hindi raw nababagay si Ria kay JM de Guzman na idolo kuno ng basher dahil losyang na siya at mukhang nanay na lang ng magaling na aktor.

Ano kaya ang balidasyon ng naturang basher sa salitang pangit at losyang? Susmaryosep, bulag siguro ito kaya hindi nakikita ang kagandahan ni Ria, pati ang kanyang itsurang napakalayo sa pagiging losyang na.

Dapat binibigyan ng leksiyon ang mga ganu’ng tao, hindi dapat pinalalampas ang ganu’ng kabastusan, kaya tama lang na kasuhan ito ni Ria Atayde.

Ang mga negatibong tao ay walang nakikitang maganda sa ibang tao dahil siya mismo’y walang nakikitang maganda sa kanyang sarili. Malungkot ang mga ganu’n kaya walang nakikitang positibo sa kanilang kapwa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.