Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality belat sa dyowa

0 101

Matagal na nakarelasyon ng isang kilalang morenong aktor ang isang pamosong tisaying aktres. Pero hindi ‘yun masyadong pinagpistahan.

Lihim na lihim kasi ang kanilang relasyon, kahit nga ang male personality ay naguguluhan na, sila nga ba ng girl?

Kuwento ng aming source, “Kung hindi nga lang sila nagkikita, e, nagdududa na rin ang guy kung magkarelasyon nga ba sila ng female personality?

“Sobrang malihim kasi ang babae, ayaw niyang pinag-uusapan ang private life niya. Wala namang magawa ang guy kundi ang sundin na lang ang gustong mangyari ng girlfriend niya,” napapailing na unang sultada ng aming source.

Nagpakaabala na lang ang male personality sa kanyang career. Kung ayaw siyang ipagmalaki ng babae ay okey lang hindi naman siya mamamatay, katwiran ng lalaki.

Patuloy ng aming source, “Parang meron na parang wala ang naging takbo ng relasyon nila. Kapag gusto siyang makita ng girl, tatawagan siya o ite-text, magkita raw sila.

“Kapag ayaw, sinasakyan na lang ng guy ang gustong mangyari ng girl. Para nga siyang nag-a-apply sa trabaho, ‘Don’t call me, I’ll call you.’

“Hanggang sa nagsawa na rin ang male personality sa kahitaran ng kanyang girlfriend. Siya ang nakipag-break. Walang nagawa ang babaeng may sariling mundo,” dagdag na impormasyon ng aming impormante.

Ang ugaling ‘yun ng aktres ay dala-dala nito hanggang sa linya ng kanyang trabaho. Matindi ang emotional tantrums nito.

Kuwento uli ng aming source, “Kabisado na ng mga katrabaho niya ang ugali ng girl. Sumpungin siya, kanyang-kanya lang ang mundo niya.

“Habang nagsasaya ang mga artista kapag break nila, e, nasa isang lugar naman siya na walang kasama. Gusto raw kasi niyang mag-isa lang siya. Sulat siya nang sulat sa notebook niya.

“Malalim na ewan ang babaeng ‘yun! Mahihirapan talaga siyang makakita ng lalaking magiging totoo sa kanya dahil hindi rin siya totoo sa nararamdaman niya.

SM food to go Banner Ad

“Ayaw niyang magpakatotoo, kakaiba ang mga atake niya sa buhay, kaya palaging belat ang lovelife niya. Sayang, maganda pa naman siya at smart, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming source na nakataas ang kilay.

Sharon umiyak sa unang sahod ni Kakie

Mainspirasyon ang mga kuwento ni Sharon Cuneta tungkol kay Frankie, ang panganay nilang anak ni Senador Kiko Pangilinan, maagang natutong mamuhay si Kakie.

“Napakabait na bata ni Frankie. Mula nu’ng bata pa lang siya hanggang ngayon, siya ang klase ng anak na hindi magiging problema ng parents niya,” unang paglalarawan ng Megastar tungkol sa kanyang anak.

Isang araw ay pinaiyak siya ni Kakie. Luha ‘yun ng kaligayahan na hinding-hindi makakalimutan ni Sharon. Detalyado niyang naikukuwento kung bakit.

“Nag-guest siya sa Eat Bulaga. Ang talent fee niya, ibinigay niya sa amin nang buung-buo ng daddy niya. Nanghingi lang siya ng pambili ng damit niya, five thousand.

“Humingi rin siya ng five thousand na pambigay niya sa church. Sabi ko, tama na sa amin ng daddy niya ang one thousand, hati na lang kami. Pero ibinigay niya talaga sa amin ang kinita niya.

“Paglabas niya ng room namin, umiyak ako nang umiyak! Imagine, unang suweldo niya na alam naman nating hindi namin kailangan kung tutuusin ng daddy niya, pero ibinigay niya pa rin sa amin?

“Napakaresponsableng bata! Alam kong wala akong aalalahanin para kina Miel at Miguel pagdating ng panahon,” nangingilid ang luhang kuwento ng Megastar.

Dalawang araw naming naging guest sa Cristy Ferminute ang Megastar. Dalawang araw na ikinaligaya ng mga kababayan natin dito at sa iba-ibang panig ng mundo.

Nagkakaisang komento ng mga nakapanood sa kanya, “Napaka-down to earth ni Sharon. Low key. Walang kayabang-yabang kahit pa super-yaman na niya at sikat na sikat pa rin!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.