Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality bigo sa leading man

0 181

Kapag naaalala ng isang female personality ang isang malungkot na nakaraan sa kanyang buhay ay itinatawa niya na lang ‘yun. Nakapag-move-on na kasi siya, masaya na ang kanyang lovelife ngayon, wala na siyang mahihiling pa.

Katatapos lang nilang mag-break nu’n ng isang male personality, iniyakan ‘yun nang matindi ng aktres, hindi kasi naging maganda ang kanilang paghihiwalay.

Kuwento ng aming source, “Matagal-tagal din bago niya nakalimutan ang break-up nila, may mga nanliligaw sa kanya, pero hindi pa siya handang makipagrelasyon.

“Ayaw niyang maging panakip-butas lang ang susunod niyang karelasyon, wala sa bokabularyo niya ang love on the rebound. Kung makikipagrelasyon siya uli, gusto niya, e, ‘yung talagang mahal niya ang guy,” unang kuwento ng aming impormante.

Bigla silang nagkasama sa trabaho ng isang guwapong male personality. Matangkad, guwapo, edukado. Wala na siyang hahanapin pa sa binatang aktor.

Patuloy ng aming source, “Palagi siyang excited kapag taping day na nila. Natural, inspired magtrabaho ang girl, magkakasama na naman kasi sila ng leading man niya sa serye!

“Crush niya ang guy, pero hindi siya nagpapahalata. Sinasarili lang niya ang nararamdaman niya. Meron siyang pinagsabihan, pero non-showbiz friend lang niya, kaya hindi ‘yun lumalabas.

“Habang nagtatagal ang pagsasama nila, e, lalong lumalalim ang nararamdaman ng girl, gusto na niyang maunang magsabi sa guy, pero hiyang-hiya siya, kaya kinimkim niya na lang ang feelings niya!

“Pero sumpa ng mga sumpa! Meron na palang girlfriend ang guy, isinama pa sa location ang babae, napakasaklap naman ng nangyari! Bigo na naman ang girl!

“Hanggang sa dumating na ang male personality na para sa kanya. Mahal na mahal siya ng guy, minahal na rin niya, masayang-masaya ang relasyon nila at mukhang sa altar na mauuwi ang kanilang pagmamahalan!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ang kanilang theme song? Kanta na lang tao ng ‘Jack and Jill went up the hill,’ di ba naman?” tumatawang pagtatapos ng aming impormante.

Willie wala pang linaw ang offer kay Mr.M

Sinusulat namin ang kolum na ito ay hindi pa nagkakausap sina Willie Revillame at Direk Johnny Manahan. Wala pang linaw ang imbitasyon ng aktor-TV host na gusto niyang makasama ang dati niyang direktor sa Tutok To Win.

Kung matatandaan ay mahabang panahon ang kanilang pinagsamahan sa lunch time show nu’n ng ABS-CBN, ang Wowowee, kung saan nagsimula ang napakagandang kapalaran sa telebisyon ni Willie.

Nang makarating kay Willie ang balita na sinibak sa ere ang SNL, ang programang binuo ni Mr. M para sa Brightlight Productions na tatlong buwan lang na napanood sa TV5, ay sinabi ni Willie sa kanyang programa ang kagustuhang makatrabaho ang direktor.

Ang eksaktong sinabi ng TV host, “Mr. M, we need you here. Usap tayo. Nandito na rin si Direk Bobot (Mortiz).

Pagtanaw ng utang na loob ang kakambal ng imbitasyon ni Willie sa direktor. Nu’ng mga panahong maraming kumakalaban sa kanya sa Dos ay isa si Mr. M sa iilang nagbigay ng tiwala sa kanya.

Hindi niya makakalimutan ang mga payo sa kanya ng direktor, hindi lang sila magkatrabaho, malapit na magkaibigan pa rin sila.

May hidwaang namamagitan ngayon kina Direk Johnny Manahan at dating Congressman Albee Benetiz na producer ng Brightlight Productions, isang pagkakaibigan ang nawasak dahil sa kinahinatnan ng kanilang proyekto sa TV5, pareho silang sinaktan ng kapalaran sa pagsasarado ng Sunday show.

Kung tatanggapin ni Mr. M ang alok ni Willie na muli silang magkasama sa Tutok To Win ay isang dating samahan naman ang magbabalik.

Ganu’n nga yata talaga. Kapag may nawala ay may pumapalit.

Leave A Reply

Your email address will not be published.