Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality bigo sa yayamaning sponsor

0 614

Kung may mga lalaking personalidad na matulis sa mga kababaihan ay may mga babaeng personalidad ding sobrang tulis sa pinupuntirya nilang karelasyunin nang pailalim.

Isang kilalang female personality na kilala sa kaliwa’t kanang pakikipagrelasyon sa madadatung na negosyante ang maagang nakatikim ng pagsupalpal mula sa mismong misis ng businessman.

Kuwento ng aming source, “Sa ibang bansa ito nangyari, wala talagang pinipiling lugar ang kakatihan ng dahon ng gabi! Nagkaroon siya ng show sa bansang ‘yun, natural lang na pagkatapos ng show, e, may kasamang pamamasyal ‘yun courtesy of the producers, di ba?

“Ang ibang personalities nga, ipinagsa-shopping pa ng mga concert producers, spoiled sila, kaya walang umuuwing luhaan!

“Nu’ng magpunta ang grupo sa bahay ng isang yayamaning sponsor, e, umariba agad ang plano ng female personality! Meron siyang pailalim na balak!” pabiting umpisa ng aming impormante.

Parang mansiyon ang bahay ng sponsor, super-laki, sosyal ang mga muwebles. ‘Yun ang naging hudyat sa plano ng babaeng personalidad.

“Heto na, gumagala talaga ang mga mata ng girl sa buong kamansiyunan! Hangang-hanga siya sa mga kagamitan sa house! E, kabisado na ng wife ng businessman ang kartada niya, supalpal agad siya!

“Sabi ng girl sa owner ng house na bukod sa yayamanin na, e, guwapo pa, ‘Can we have some wine?’ Juice colored, nu’ng marinig ‘yun ng wife ng rich guy, e, agad na siyang hinarangan! Kapag may alak nga naman kasi, e, may balak.

“Alam n’yo kung ano ang ginawa ng wifey ng businessman? Diniretso siya, ang sabi ni misis, ‘Hoy, _____(pangalan ng female personality), huwag na huwag mong papakialaman ang husband ko at makikita mo ang ayaw mong makita!’

“Nalokah ang girl! Hanggang sa bansang ‘yun pala, e, buking na buking na ang mga atake niya sa mga yayamaning lalaki! Wala na pala siyang maitatago!

“Hindi natuloy ang balak ng female personality, nabigo siya sa pag-asang nakahukay na siya ng mina ng ginto! Umuwi siyang luhaan!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Buking!

John Lloyd walang amnesia

Malikot ang takbo ng utak ngayon ng mga bashers ni John Lloyd Cruz. Ginagawa siyang pulutan ngayon sa social media dahil sa paglutang ng balitang lilipat na siya sa GMA-7.

Binak-apan pa ‘yun ng kuwentong may kumausap nang ehekutibo ng network sa magaling at sikat na aktor, kaya ang mga bashers ni JLC, abalang-abala ngayon sa pagtirador sa kanya.

Wala raw loyalty si John Lloyd, sa ABS-CBN daw siya nagsimula at ang istasyon ang nagpasikat sa kanya, pero napakabilis niyang nasilaw sa mga pangako ng kalabang istasyon.

Hindi raw siya kailangan ng Kapamilya network, napakarami na raw mga sikat na personalidad ng ABS-CBN ngayon, wala na raw siyang espasyong lulugaran sa kanyang pagbabalik.

Masyadong marahas ang mga salitang ibinabato ngayon ng mga bashers laban kay Lloydie. Ni hindi pa nga nila alam kung ano ang partikular na proyektong gagawin nu’ng tao pero nand’yan na agad ang kanilang paghusga.

Sana raw ay hinintay na lang ng magaling na aktor na maibalik ang prangkisa ng network, sana raw ay hindi siya nagpadalus-dalos sa pagdedesisyon, pagmamarunong pa ng mga bumibira sa kanya.

Kahit kailan ay hindi maaaring talikuran ni Lloydie ang utang na loob niya sa ABS-CBN. Ibang klaseng magpahalaga ang aktor sa mga taong nakatulong sa pag-abot niya ng kanyang mga pangarap.

Walang amnesia si John Lloyd Cruz, hindi niya kailangang uminom ng anumang pildoras para lang niya maalala ang suporta at pagmamahal na ibinigay sa kanya ng Dos, ligtas siya sa ganu’ng katinding akusasyon.

Malayo sa katotohanan ang mga salitang ipinakakain ngayon ng mga taong nagpapadalus-dalos sa paghusga laban kay Lloydie, napakalayo, hindi kilala ng mga taong ‘yun ang tinitirador nila ngayon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.