Abante Tonite Interactive

Female personality bilmoko sa dyowa

1,017

Buhay na buhay pa rin ang kuwento tungkol sa pagiging bilmoko ng isang kilalang female personality. Wala na sanang problema, pero lahat ng mga nakakarelasyon niya ay may ganu’ng kuwento, masyado raw materyosa ang magandang female personality.

Ibang-iba raw asikasuhin ng girl ang kanyang boyfriend bago at pagkatapos nilang mag-shopping. Napa-kalambing niya, palaging nakangiti, pero pagkatapos lang nang ilang araw ay palagi na namang mainit ang kanyang ulo.

Kuwento ng aming source, “Masungit na naman siya, kung anu-ano na naman ang ipinagmamarakulyo niya, alam na ng boyfriend niya kapag ganu’n na palagi siyang iritada!

“Nagkautang-utang kaya ang ex niyang hunk actor dahil sa pagiging bilmoko niya! Hindi naman kasi kalakihan ang kinikita nu’ng tao, hindi naman siya nagbibida sa mga serye, paminsan-minsan lang siya nagkakaroon ng mga regular work.

“Pero dahil alam na nga niya ang kiliti ng girlfriend niya, e, gumagawa siya ng paraan para magkadatung! Shopping galore na sila kapag ganu’n, ang girl lang ang ipinagsa-shopping niya, wala siyang binibili para sa sarili niya!

“O, di okey na naman sila! Super-sweet na naman sa kanya ang girl, nagkakasundo na naman sila! Pero may duration ang ganu’ng sitwasyon!” natatawang kuwento ng aming impormante.

Ganu’n din ang istoryang kakambal ng naging relasyon ng female personality at ng isang bagitong aktor, ganu’ng-ganu’n din, nakipaghiwalay agad ang lalaki sa female personality dahil hindi nito kinaya ang pagiging bilmoko ng aktres.

“Kalat na kalat na ang kuwentong ‘yun sa showbiz, kaya tama lang ang ginagawa ng girl na non-showbiz na ang pinipili niyang karelasyon!

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun na kapangalan ng isang generous namang female personality, regalo nang regalo sa kanyang karelasyon, pero isinusumbat naman sa bandang huli!” pagtatapos ng aming source.
***

Calvin Abueva maruming maglaro

Si Calvin Abueva, ang basketbolistang minsang naugnay ang pangalan kay Vice Ganda, ay pinatawan ng indefinite suspension ng pamunuan ng PBA.

Bukod kasi sa napakabarubal niyang paglalaro ay pumapatol din siya sa mga babaeng miron, nakikipagtalakan siya, may bonus pang pangdi-dirty finger ‘yun.

Dapat lang lapatan ng parusa ang maruming pagla-laro ni Abueva, matagal na siyang ganyan, pakiramdam ng mokong na ito ay siya na ang pinakamagaling na basketbolista.

Kaligayahan na niyang mambalya, manakit-manahod ng kapwa niya manlalaro, parang ‘yun na ang ikinabubuhay niya sa hardcourt.

Brusko ring maglaro ang The Living Legend na si dating Senador Robert Jaworski, ang tapang nito ang hinahangaan ng sambayanang Pinoy, pero marespeto pa rin sa kanyang mga kapwa basketbolista si Big J.

Liyebo sitenta na ngayon si Robert Jaworski, pero kasabay ng kanyang pagkakaedad ang respeto ng buong bayan sa kanya, hindi ito tatawaging The Living Legend nang walang dahilan.
***

Loisa ipinagkanulo ng taong pinagkatiwalaan

Mahirap mabuhay sa kasinungalingan. ‘Yun ang ramdam na ramdam ni Loisa Andalio, kaya patagilid man ay parang inamin niya na rin ang isyung kinasangkutan niya, ang pinagpistahang video kung saan siya ipinakita sa hindi hinihinging sitwasyon.

Pagtitiwala sa kapwa nang sobra-sobra ang ibinigay niyang dahilan. Ipinagkanulo siya ng isang taong pinagkatiwalaan niya nang sobra pa sa kailangan.

Isang malaking leksiyon ang kakambal ng nangyari kay Loisa, hindi lahat ng nakangiti at nagpapakita ng maganda ay maituturing nang kaibigan-kakampi, kailangan munang kinakaliskisang mabuti ang tao para makita ang tunay nitong kulay.

Pero kasalu-saludo pa rin si Loisa, gumagana ang kanyang kunsensiya, gusto niyang mabuhay nang wala siyang pagpapanggap at pagsisinunga­ling.

Tonite – Wendys Inhouse Ad