Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality binudol ng mister, gutom sa abroad

0 156

Matinding ayuda mula sa mga kaibigan at kasamahang personalidad ang kailangan ngayon ng isang kilalang female personality na kasalukuyang nasa ibang bansa.

Nabudol siya ng isa nating kababayan na nakarelasyon niya. Paniwalang-paniwala ang female personality na citizen na ng bansa ang pinakasalan niya pero lumabas ang katotohanan na hindi naman pala.

Kuwento ng aming source, “Naku, nabudol siya nu’ng lalaki! Pinakasalan niya ang guy dahil sa pag-asa niyang maging citizen na rin siya ng Amerika, pero TNT (tago nang tao) lang pala ang lalaki!

“Naloko siya! Hopiyang-hopiya pa naman siya na ilang panahon lang, e, magiging American citizen na siya, pero susmaryosep! Waley! Nabudol talaga siya!” sabi ng aming impormante.

Nakipaghiwalay agad ang female personality sa kanyang pinakasalan, pero matindi ang hirap na pinagdadaanan niya ngayon, gutom ang inaabot du’n ngayon ng komedyanang nagpakontrobersiiyal pa kamakailan lang.

Patuloy ng aming source, “Wala siyang show, wala siyang pinagkakakitaan, halos mamalimos na siya ng trabaho sa mga Pinoy sa Amerika na kakilala niya, pero wala namang maibigay na help sa kanya!

“Paano na ang buhay niya du’n, saan siya kukuha ng datung para makaraos siya sa araw-araw? Gutom ang inaabot niya ngayon, sa totoo lang!” dagdag na kuwento pa ng aming source.

May payo sa kanya ang mga miron, lalo na ang mga Marites sa Amerika na alam na alam ang kinasangkutan niyang kontrobersiya kailan lang, humingi raw siya ng ayuda sa sikat na singer-actress na binira-bira niya sa social media.

Balik-chika ng aming source, “Bakit hindi siya mag-post ngayon tungkol sa kahirapang inaabot niya sa Amerika? Siguradong makararating sa sikat na female personality ang nagaganap sa kanya!

“Puwede niyang sabihin ngayon na mas malinaw pa sa mineral water na nadenggoy siya ng Pinoy na pinakasalan niya! Maganda naman ang puso ng binira niya, matulungin ang female personality na ‘yon, malaki ang possibility na tulungan siya!

“Kasi naman, problemado na pala siya sa ibang bansa, pero mas inuna pa niya ang pag-upak sa female personality na nagalit nu’ng kantahin ang song niya ng isang politiko!

SM food to go Banner Ad

“Ayan tuloy, siya ang may matinding problema ngayon, gutom ang inaabot niya, mas malinaw pa ‘yon sa mineral water, sa totoo lang!” pagtatapos ng napapailing naming impormante.

Sharon may K magtampo

Sadya man o hindi, ang mundo ng politika ay may iba-ibang paraan para magpahiwalay ng mga taong wala namang problema sa isa’t isa, ang kanilang pagkakaibigan ay nagiging friendship over.

Pinagpipistahan ngayon ang hindi man lang pagbanggit ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa mister ng Megastar na si Sharon Cuneta nang umakyat ang aktres sa entablado ng Kakampink.

Binantayan ‘yon ng mga saksi sa kampanya, pero talagang dinedma ni Marya ang asawa ni Mega, pangalan lang ng minamanok niya sa panguluhan ang palagi niyang binabanggit.

Hindi ito ang unang pagkakataong nangyari ang ganu’n. Nang umakyat sa entablado ng Kakampink si Kris Aquino ay hindi rin naman nito binanggit kahit minsan ang pangalan ng mister ni Sharon.

Ano nga kaya ang tunay na dahilan kung bakit? Siguradong meron. Si Senate President Tito Sotto kaya ang ibobotong vice-president ng mga artistang pangalan lang ng minamanok nilang pangulo ang isinisigaw?

May karapatang magtampo ang Megastar sa ganu’ng senaryo pero may karapatan din tumanggi sa kanilang isisigaw ang mga umaakyat sa entablado de kampanya.

-o0o-

Nalulunod po kami nina Romel Chika at Morly Alinio sa kaligayahan sa mga panahong ito. Isang buwan at kalahati pa lang ang aming “Showbiz Now Na!” sa You Tube pero kahapon ay nagmarka na nang 100,000 ang aming mga subscribers para sa sliver play button.

Maraming-maraming salamat po. Ihinahandog ng aming team ang maagang pagkilalang ito sa lahat ng mga kababayan natin dito at sa iba-ibang bansa man na isandaang porsiyento ring pagsuporta ang ibinibigay sa “Showbiz Now Na”!
Mula sa pusong salamat po! Atin po ang “SNN”!

Leave A Reply

Your email address will not be published.