Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality ‘binuntis’ ng ex

0 406

Kabisado na ng publiko ang karaniwang kalakaran sa showbiz kapag nadadagdagan ang timbang ng artista o kaya’y pumapayat.

Kapag tumaba ang artista ay agad nang iikot ang balitang nagdadalantao siya. Nakalunok na agad siya ng pakwan.

Kapag nangayayat naman ay mabilis ang paghusga, nagpa-abort ang artista, kaya nahulog ang katawan. Palaging ganu’n ang paghusga.

Gasgas na rin ang litanyang mag-aaral sa ibang bansa ang artistang tumaba, hindi na ‘yun pinaniniwalaan, dahil ipinapalagay ng mas nakararami na sa kanyang pagkawala nang ilang buwan ay may nagaganap na milagro.

Uuwi ang artistang nag-aral daw sa ibang bansa, may karga-karga nang sanggol, pag-iri pala ang kanyang pinag-aralan at hindi anumang kurso.

May kuwento ang aming source, “Alam na this! Dahil lumaki ang bulto ngayon ng isang female personality, agaran nang umikot ang balitang pregnant siya ngayon!

“Yes! ‘Yun ang kuwento tungkol sa kanya ngayon, buntis daw siya, samantalang ang alam nga ng mga tao, e, wala siyang karelasyon ngayon, di ba?

“May nali-link sa kanya, pero nilinaw niya na magkaibigan lang naman sila nu’ng guy! So, paano siya nagdalantao? Sino ang ama ng kiyemeng dinadala niya ngayon?” unang patikim na kuwento ng aming impormante.

Ang nakakaalarma sa kuwento tungkol sa diumano’y pagdadalantao ng kilalang aktres ay isang dating karelasyon ang itinuturong ama ng sanggol sa kanyang sinapupunan.

Patuloy ng aming source, “Ano ba naman ‘yun? Mema lang! Ang sinasabing father kuno ng dinadala ngayon ng girl, e, ang ex niyang nanakit nang napakatindi sa kanyang puso!

“Puwedeng napatawad na niya ang guy, puwedeng kinalimutan niya na ang matinding sakit na ibinigay sa kanya nu’ng male personality, pero hindi sila nagkabalikan!

Related Posts
SM food to go Banner Ad

“Paanong magiging ama ng dinadala raw niya ‘yung male personality na ‘yun, e, ni hindi na nga sila nag-uusap? Nakakaloka ang istorya!

“Hindi imposibleng maging preggy ang girl, pero ang sabihing ‘yung nakahiwalay niyang male personality ang tatay ng bagets, e, teka lang naman muna!

“Fake news ‘yun!” madiin pang pagtatapos ng aming source na nakairap.

Paulo nagpasilip ng puwet, ari best actor na

Sa mga nagtataka-nagtatanong kung bakit at paanong tinanghal na Best Actor sa MMFF si Paulo Avelino ay mas makabubuti sigurong panoorin muna nila nang buo ang pelikulang “Fan Girl.”

Kahit ang mga namba-bash kay Charlie Dizon, ang bumida sa pelikula katambal ni Paulo, ay mas maganda kung matututukan nila ang pelikulang nagbigay ng mga tropeo sa dalawang karakter ng palabas.

Hindi kasi puwedeng makinig lang tayo sa mga balikong pagpansin nang hindi man lang natin napapanood ang pelikula. Nagpakita lang daw ng ari si Paulo ay Best Actor na agad-agad?

Nagpasilip lang daw siya ng puwet ay pinakamahusay na aktor agad siya ng pestibal? Kung ang mga ganu’ng pagpansin ang tanging bibigyan natin ng bigat at hindi ang pelikula sa kabuuan ay baka nga maniwala tayo?

May matinding dahilan ang mga hurado sa pagbibigay nila ng tiwala sa pagganap ni Paulo Avelino. Bawat kuwadro, bawat eksena, bawat pag-arteng ipinakita ni Paulo ay kaswal na kaswal pero kumakagat.

Hindi siya umaarte, napakanatural niya, tulad din sa mga seryeng pinaglabasan niya kung saan nakukuha ng aktor ang paghanga ng manonood.

Sakto ang papel na ginampanan niya bilang idolong huwad naman pala ang ipinakikitang ugali sa publiko. Swak sila ng kanyang katambal na si Charlie Dizon. Mahusay ang pagkakabalangkas ng istorya. Magaling si Direk Antoinette Jadaone.

Napakasimple ng mga dahilan kung bakit humakot ng parangal sa MMFF ang “Fan Girl.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.