Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality binusulan ang bibig

0 554

Maraming naghahanap sa isang maingay at kontrobersiyal na female personality. Parang hindi sanay ang ating mga kababayan na nananahimik siya.

Meron pa rin naman siyang mga hanash sa social media, pero hindi na siya tulad nang dati ngayon na masyadong maingay at papansin, kaya maraming nagtataka.

May malalim palang dahilan ‘yun na siyempre’y hindi alam ng publiko, may mahabang kuwento pala tungkol sa kanyang pananahimik, kailangan pala talaga siyang magpahinga.

Kuwento ng isang source, “Alam naman natin ang babaeng ‘yun, para siyang bawang, kasahog sa lahat ng lutuin. Konting kibot lang, agad na siyang nakangawa!

“Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba, basta sasabihin niya kung ano ang gusto niya, talak siya nang talak sa social media! Ganu’n siya katindi!

“Pero bigla siyang pumpreno. Bigla na lang siyang nanahimik. Kating-kati na ang nilangisan niyang dila sa pagkuda, pero wala siyang magawa!” unang kuwento ng aming impormante.

Pinaupo pala sa “silya elektrika” ang female personality. Ang kumausap sa kanya ay mga taong hinid niya puwedeng kalabanin.

Patuloy ng aming source, “True! Hindi siya basta nananahimik lang, pinatahimik talaga siya! Minanduhan siyang huwag masyadong maepal, dahil ang nasisira, e, ang mga taong pinagsisipsipan niya!

“Habang kuda siya nang kuda, e, patuloy namang nasisira ang image ng mga taong iniaangat niya! Maraming nagpayo sa mga taong ipinagtatanggol niya, patigilin na sa kakukuda ang babaeng ito, kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lang!

“’Yun ang tunay na nangyari, kinailangan siyang busalan sa bibig, dapat siyang manahimik, kaya wala nang masyadong aksiyon ang female personality!

“Hindi true ang lumabas na kuwento nu’n tungkol sa kanila ng isang pamosong male personality, diversionary tactic ‘yun, para mailigaw ang kuwento kung bakit siya biglang nanahimik!

SM food to go Banner Ad

“Saka marami na ring katrabaho niya ang galit na galit sa kanya, wala na siyang kasundo, kaya nakarating ‘yun sa katas-taasan! Supalpal siya!” napakadiing pagtatapos ng aming source.

Arnell naglitanya sa pagkakamali ni Angel

Kilalang-kilala namin si Arnell Ignacio. Kapag nasa tama siya ay meron siyang paninindigan, hindi siya uurong sa laban, sukdang magkaubusan sila ng bala.

Dahil sa kanyang mga komento ay pinag-initan si Arnelli ng mga tagasuporta ni Angel Locsin, pinersonal siya, tinawag sa iba-ibang pangalan.

Nang mabasa namin ang mga negatibong komento tungkol sa TV host sa social media ay isa lang ang naisip namin, lalaban nang sabayan si Arnelli, hindi siya basta mauupo lang at mananahimik.

‘Yun nga ang nangyari. Naglabas siya ng kanyang saloobin tungkol sa naganap na indulto sa community pantry na pinamunuan ni Angel. May mga punto ang kanyang litanya.

Ayaw na ayaw ni Arnelli sa mga palusot na hindi raw naman kasi inasahan ng grupo na ganu’n karami ang darating sa ipinang-imbita nilang community pantry.

Open invitation kasi ang ginawa ni Angel sa FB account nito, “free for all,” ‘yun ang kinukuwestiyon ng TV host. Nakapagmura pa nga siya, paanong hindi dadagsain ang pamimigay ng ayuda, samantalang pangalan pa nga lang ng aktres ay matinding kaway na?

Malaking artista si Angel, pagdidiin ni Arnelli, sikat, kaya kahit tumayo lang ang aktres sa kahit saan ay siguradong dudumugin na ito. At ganu’ng tatlong daang katao lang naman pala ang kanilang babahaginan ng ayuda ay bakit bukas ang imbitasyon sa social media ng grupo ni Angel?

Ang kawalan ng komunikasyon sa mga LGU, ang kakapusan ng disiplina, ang napakamaling imbitasyon sa publiko—ilan lang ‘yun sa mga maling-maling ginawa ni Angel Locsin ayon kay Arnelli.

Leave A Reply

Your email address will not be published.