Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality ‘bugbog’ sa pintas

0 340

Maraming inis na inis sa isang kilalang female personality na kahit nasa malayong lugar ay kuda pa rin nang kuda. Marami siyang reklamo, mayaman siya sa pagkokomentong lihis naman sa tiyempo, kinaiinisan ngayon ng mga netizens ang babaeng ito.

Nagpabaya siya sa kanyang katawan, kain siya nang kain, kaya lumobo ang kanyang katawan at namurok sa katabaan ang kanyang mukha.

Kuwento ng aming source, “Ano kaya ang gusto ng babaeng ‘yun? Ang purihin ng mga netizens ang itsura niya at sabihan siyang nakakalokah ang kaseksihan niya?

“Gusto pa niyang palabasin na echosera ang mga netizens, di ba naman? ‘Yung sasabihin nila na ang ganda-ganda ng katawan niya at ang face niya, payat na payat, hugis-bigas!” unang sultada ng naiinis naming impormante.

Sumobra kasi sa laki ang timbang ng female personality, halos hindi na nga niya mabuhat ang katawan niya, kahit ang karelasyon niya ay parang sumusuko na rin sa kabigatan niya.

“Kundi ba naman siya lukring, e, siya mismo ang nang-iimbita para sa body shaming! Sasabihin niyang pinakapintaserong lahi ang mga Pinoy, e, bakit kasi siya post nang post ng mga pictures at video nila ng boyfriend niya?

“Saan ba nagsisimula ang sinasabi niyang body shaming, di ba, sa mga inilalabas nilang photos and video ng dyowa niya? Kung wala siyang ipino-post, di wala rin sanang pintas na ipatitikim sa kanya ng mga netizens!

“Sabik din kasi siya sa publicity! Ang gusto niya, kahit nasa malayong country sila ng boyfriend niya, e, pinag-uusapan pa rin siya!

“Habang hinuhulaan ng marami na pregnant siya, enjoy na enjoy niya ‘yun, kasi nga, e, pinag-uusapan rin siya! Huwag siyang maglabas ng kahit ano tungkol sa buhay nila sa ibang bansa, e, di wala ring pintas na lalabas tungkol sa kanya!

“Body shaming? Sino ba ang nagbibigay ng reason para siya mapintasan? Magtigil na nga siya! Ipinapasa pa niya sa mga netizens ang mga kalokahan niya!” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.

-o0o-

Alex hirap dumumi

Napakabilis talagang humusga ng ibang tao. At ang bibilis ng kanilang mga mata! Nakahawak lang ang boyfriend ni Alex Gonzaga sa kanyang tiyan, nagdadalantao na siya agad, hindi ba puwedeng maglihi muna siya?

Inilabas ni Alex ang family picture nila. Nandu’n siyempre ang mag-asawang Direk Paul Soriano at Toni at ang kanilang anak. Siyempre’y kasama sa larawan sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty.

At kahit hindi pa sila kasal ni Konsehal Mikee Morada ay itinuturing na itong kapamilya ng mga Gonzaga. Sa kasalan din naman kasi ‘yun mauuwi, engaged na sila, ginagawa na nga ang bahay na titirhan nila ni Konsehal Mikee.

Nakakatawa ang sagot ni Alex sa nagtanong kung nagdadalantao na ba siya? Hindi raw ba puwedeng constipated lang siya kaya medyo lumaki ang tiyan niya?

May kuwento tungkol sa isinagot ni Alex, matagal na talaga niyang problema ang pagiging constipated, ilang taon namin siyang nakatrabaho at ‘yun ang palagi niyang pinoproblema.

Magana siyang kumain lalo na kapag paksiw na bangus ang ulam, pero hirap na hirap siyang dumumi, kung minsan nga ay bumibilang pa nang tatlong araw bago siya sumigaw ng “Success!”

Stress ang isa sa mga itinuturong dahilan ng mga doktor kapag constipated ang kanilang pasyente. Nu’ng mga panahong ‘yun ay marami talagang proyekto si Alex Gonzaga.

Pakakawalan siya sa shooting o taping nang mag-uumaga na, magre-report naman siya sa kasunod niyang trabaho sa umaga ring ‘yun, kaya palagi siyang antok na antok.

Ewan lang kung ngayon ay maayos na ang kanyang pagdumi, sana’y hindi na niya ‘yun pinoproblema, lalo na’t nand’yan na si Konsehal Mikee Morada na nagpapaligaya sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.