Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality buhay-reyna sa dyowa

0 103

Mukhang natagpuan na ng isang magandang female personality ang kanyang the one. Bukod sa kanilang pagmamahalan na palaging kasing-init ng kumukulong tubig ay matindi ang respeto sa kanya ng male personality na mula sa pamilya ng mga artista.

Kung dati’y magulo ang naging relasyon nila ng isang male personality na nagkaroon pa nga ng pisikalan, ngayon ay reynang-reyna ang pakiramdam ng dalaga sa kanyang kasalukuyang boyfriend, paglalarawan ng malalapit sa kanila.

Kuwento ng aming source, “Ilang relasyon na ba ang pinagdaanan ng girl na hindi kagandahan ang kinauwian? Lalo na ‘yung una niyang seryosong pakikipagrelasyon, pinagpistahan ang hiwalayan nila dahil sabi ng girl, e, sinasaktan siya ng male personality?

“Siyempre, itinanggi ‘yun ng family ng male personality, gawa-gawa lang daw ang mga kuwento ng girl, ang totoo raw, e, siya ang masyadong selosa at maligalig!” unang hirit ng aming impormante.

Pagkatapos nu’n ay naging sila rin ng isa pang aktor na magaling umarte at may pinagdaanang emosyonal na problema dahil sa naging bisyo nito.

Balik-kuwento ng aming source, “Hindi rin sila nagtagal, magulo rin ang naging takbo ng relasyon nila. May kuwento pang ginamit lang daw siya ng male personality, pero hindi naman ‘yun pinaniwalaan ng marami, dahil sino nga ba ang mas nangangailangan kanino?

“Hanggang sa nagkakilala na nga sila ng kasalukuyan niyang boyfriend. Sabi nga ng mga becki, e, kailangan na raw pag-ingatan ng girl ang relasyong ito dahil hindi lang mga girls ang nagkaka-type sa guy, kundi pati ang mga kabekihan,” sabi uli ng aming impormante.

Galing din sa isang magulong relasyon ang male personality, masyado nitong dinamdam ang paghihiwalay nila ng isang female personality, emosyonal ang lalaki.

“Masuwerte ang girl dahil mapagmahal ang guy, marespeto pa, talagang ibibigay nu’n sa kanya ang lahat-lahat. Reynang-reyna nga siya ngayon dahil sa sobrang pagmamahal sa guy.

“Gusto siya ng family ng male personality dahil nakikita nilang ang girl ang nagpapasaya sa lalaki, pero huwag na huwag niyang lolokohin ang BF niya at siguradong ang pamilya ng guy ang makakatapat niya!

“Huwag na huwag, dahil siguradong makikita niya ang ayaw niyang makita! Sa ganda niyang ‘yan, e, baka magmukha siyang manyikang basahan!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming impormante.

Ai–Ai titira sa US

Hindi pa naman ngayon pero handang-handa na ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas sa magiging biglaang pagbabago ng kanyang buhay sa West Virginia, USA.

Isang desisyon ito na matagal niyang pinag-isipan, hindi ganu’n kadaling iwanan ang kanyang career na hanggang ngayo’y mabunga pa rin, pero sabi nga ng magaling na komedyana ay ito ang tinatawag na crossroad ng buhay.

Marami pa siyang tatapusing kompromiso sa GMA-7, may mga nasimulan siyang trabaho na kailangan niyang kumpletohin, bago sila bumiyahe ng kanyang pamilya sa Amerika.

Green card holder na silang lahat, maging ang kanyang asawang piloto na si Gerald Sibayan ay napetisyon na rin ni Ai-Ai, nasa Amerika ito ngayon dahil sa isang badminton tournament.

“Hindi naman ako titira na nang diretso sa Amerika, kailangan ko pa ring bumalik-balik dahil nandito pa ang Nanay ko. Saka raraket pa rin naman ako du’n. Sa Hollywood na muna ako, dream big, di ba? Charot!” kaswal pang pagbibiro ng Comedy Queen.

Sa Amerika nag-aral ang kanyang mga anak na sina Sofia at Nicolo, ‘yun ang dahilan kung bakit bumili na siya ng bahay sa West Virginia ilang taon na ang nakararaan, pinaghandaan na nga ng komedyana ang pagdating ng panahon na du’n na sila maninirahan.

“Sobrang lungkot na du’n na kami maninirahan, napakahirap ng pinagdaanan kong desisyon, dahil nasa showbiz ang puso ko. Kahit kailan, hindi ko maiiwanan ang propesyong tumupad ng lahat ng mga pangarap ko,” emsyonal pang sabi ng Comedy Queen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.