Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality buking ang masamang ugali

0 151

Isang source na malapit sa isang kilalang male personality ang nagkuwento tungkol sa mga drama ng isang babaeng personalidad. Nagkaroon sila ng relasyon.

Relasyon na nu’ng una ay kasingtamis ng asukal pero nang magtagal-tagal na ay naging kasing-asim ng hilaw na mangga. Sa hiwalayan ‘yun nauwi.

Kuwento ng source, “Malaking factor sa paglamig ng relasyon nila ‘yung kakaibang drama ng girl. Magaling lang kasi siya sa umpisa.

“Nu’ng bagu-bago pa lang silang magkarelasyon ng male personality, e, kung anu-anong regalo ang ibinibigay niya sa biyenan niyang hilaw, pero hanggang sa umpisa lang naman pala ‘yun!” unang hirit ng aming source.

Hindi niya naman kailangang paliguan ng regalo ang ina ng male personality, sagana ang mga ito sa buhay, kaya nilang bilhin ang kahit anong magustuhan nila.

“Pero nu’ng umpisa nga, e, palagi siyang nagreregalo ng kung anu-anong food. Palagi rin siyang may pasalubong na cake kay mommy, iba-ibang pastries din ang madalas niyang dala-dala kapag nagpupunta siya sa bahay ng male personality.

“Pero ilang months lang after, e, wala na, as in waley na, ni butong-pakwan, wala na siyang ibinibigay sa mommy ng boyfriend niya!

“So, napansin ng family ang inconsistency niya, sa umpisa lang naman pala siya ganu’n, although hindi naman niya kailangang gawin ‘yun dahil yayamanin ang family ng karelasyon niya!” napapailing na kuwento uli ng aming source.

Ganu’n kuno talaga ang female personality, kapag may kailangan siya ay mahilig siyang magregalo, pero kapag nakuha na niya ang kanyang gusto ay deadma na siya.

Patuloy ng aming source, “Minarkahan ‘yun ng pamilya ng male personality, maaga siyang nagpakilala ng tunay niyang ugali. Kapag may nagbe-birthday sa family ng male personality, e, deadma na rin siya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Hindi na nakapagtataka kung bakit mabilis ding natapos ang relasyon nila, may nakita na kasing hindi maganda sa kanya ang family ng aktor,” sabi pa ng aming imporamante.

Marjorie ‘inuurot’ si Claudine kay Jodi

Dati nang pina-follow ni Marjorie Barretto ang mga social media accounts ni Jodi Sta. Maria. Nila-like ng aktres ang mga posts ni Jodi, nagkokomento pa nga kung minsan si Marjorie, matagal na silang magkaibigan.

Nang-mag-post sina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria ng kanilang mga retratong masayang-masaya sila ay ni-like din ‘yun ni Marjorie na tulad nang dati.

Negatibo ang naging reaksiyon du’n ng mga tagasuporta ni Claudine Barretto, talaga raw naghahamon ng away si Marjorie, dahil alam niya naman na bagong karelasyon ni Raymart si Jodi.

Pinersonal ‘yun ng mga maka-Claudine, iniinis daw ni Marjorie ang kanyang kapatid na kung anu-anong paghusga ang ibinabato kay Jodi, naghahamon na naman daw ng giyera si Marjorie.

Sabi ng aming source, “Kung ngayon lang ni-like ni Marj ang posts nina Raymart at Jodi, puwedeng sabihing nang-iinis nga siya! Pero naman! Matagal nang pina-follow ni Marjorie si Jodi!”

Nakasilip na naman ng butas ang mga arsonista ng tsismis para muling sindihan ang matagal nang nanglalamig na hidwaan ng magkakapatid na Barretto.

Mula nang maganap ang kakila-kilabot nilang bangayan sa mismong lamay ng kanilang ama ay wala nang sumunod pang pangyayari.

Huwag na sanang patulan pa ni Claudine ang mga sulsol at bulong ng mga taong nakapalibot sa kanya para muling mabuhay ang away nilang magkapatid.

Leave A Reply

Your email address will not be published.