Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality buking sa pagsinghot ng damo

0 200

Walang pinipiling kasarian sa pakikipagrelasyon ang isang female personality. Dati siyang modelo na nag-artista.

Bata-bata pa ang babaeng personalidad nang magkaroon siya ng anak, itinago niya ‘yun sa baul, ipinakilala niyang pamangkin ang walang kamalay-malay na bata.

Nagkaroon din siya ng karelasyong tungril, miyembro ng LGBTQ community, lalaking-lalaki ang porma nito.

Ngayon ay may karelasyon naman siyang negosyanteng medyo may edad na, ex ito ng isang magandang female personality, nagdadalantao na siya.

Kuwento ng isang source, “At nagpa-pictorial pa siya habang kitang-kita ang tiyan niya. Sexy ang mga pose niya, modelong-modelo talaga ang pormahan niya.

“Pero nakakatuwang ipinakikita niya na ang baby bump niya, isang bagay ‘yan na hindi niya nagawa nu’ng unang magkaanak siya. Itinago niya nu’n nang ilang dekada, deny siya nang deny kapag tinatanong siya!

“Nakikipagputulan pa nga siya ng daliri nu’n, wala raw siyang anak, pamangkin daw niya ang batang nakatira sa bahay niya!

“At least ngayon, proud na proud na siyang mommy. Ipinagmamalaki na niya, hindi tulad nu’n na parang bilanggo ang anak niya sa katatago niya!” unang kuwento ng aming impormante.

Siya rin ang female personality na natanggal nu’n sa isang show, nakarating kasi sa mga ehekutibo ng network ang isang kalokahang ginawa niya habang nasa trabaho, binoldyak siya sa programa.

“E, kundi ba naman lukring ang babaeng ‘yun! Nagtatrabaho siya, nasa linya siya ng propesyon niya, pero nahuli siyang singhot nang singhot ng mga taga-production.

“Nagdedenay pa siya, wala raw siyang ginagawa, kaso, buking na buking siya dahil amoy na amoy sa paligid ang marijuana! Ang itinuro niya, ang direktor na nang-imbita raw sa kanyang suminghot ng mahiwagang damo!” nalolokang pagtatapos ng aming impormante.

Angelica ‘sangkot’ sa Derek-Andrea split

“Don’t tell me I didn’t warn you!” Ganu’n nga ba ang naglalarong mga salita sa utak ngayon ni Angelica Panganiban patungkol kay Andrea Torres?

Sabi nga sa kolokyal na linyang kanto, “I told you not to go, you go to! Look at!” Ang ibig sabihin sa ating wika, “Sinabi ko na nga sa iyo na huwag kang pumunta, pero pumunta ka! Tingnan mo!”

Wala kaming natatandaang sinabi ni Angelica na ganu’n ang tema, nasundan namin ang kanyang mga panayam, kahit ang mga posts niya sa social media.

Wala siyang sinabing “Don’t tell me I didn’t warn you!” kay Andrea Torres. Kung meron man siyang ganu’ng ideya, siguro’y sinarili na lang niya ‘yun, hindi na inilabas pa.

At hindi lang siguro si Angelica ang puwedeng isangkot sa ganu’ng karanasan, puwede ring mabanggit ang mga pangalan nina Solenn Heussaff at Joanne Villablanca, na naging karelasyon din ni Derek Ramsay.

Huwag lang sobrang pamemersonal ang laman ng mga mensahe, pero walang dapat ikapikon ang hunk actor sa mga nababasa nitong komento sa social media laban sa kanya, may pinanggagalingang kasaysayan ang mga namba-bash kay Derek.

At hindi isang babae lang ang sangkot, marami sila, nagtagal ang kanilang relasyon nang maraming taon pero hindi naman ihinarap sa altar ng aktor.

Kaya ang nangyari kay Andrea Torres ay hindi na bago, parang sakit lang ‘yun na nalalapatan ng pansamantalang gamot, pero umuulit pa rin.

Sabi nga ng isang basher ni Derek, “Balak yata niyang magpa-over ripe ng banana niya!”

Ganern!

Leave A Reply

Your email address will not be published.