Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality buntis; ‘di nakita sa burol

0 242

NI: CRISTY S. FERMIN

Bulong ng isa naming source, “Imbestigahan n’yo nga kung totoong buntis ang isang female personality sa matagal na niyang boyfriend? Mukhang totoo ang kuwento, e!

“Hindi kasi siya nagpunta sa wake ng taong close sa kanya, pinagbawalan siya ng mga kapamilya niya. Bawal daw makipaglamay o magpunta sa patay ang buntis!” madiing sabi ng aming source.

SM food to go Banner Ad

Ganu’n? Ang isang kuwento nga naman kapag gusto nang umalpas, kahit napakaliit na detalye lang kung tutuusin, nasisilip para magpatunay sa kuwento. Hindi na nakapagtataka kung totoo nga ang kundisyon ng female personality.

Napakatagal na nilang magkarelasyon ng lalaking personalidad na sinasabing ama ng kanyang dinadala, kasal na nga lang ang kulang sa kanila, hindi na bago ang istorya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.