Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality burara

0 88

Kasabay talagang nagbabago ng panahon ang tao. Kung pagbabasihan ang mga nakaraang taon sa buhay ng isang kilalang female personality ay parang wala na siyang pagbabago.

Baguhan pa lang siyang nag-aartista nu’n, papalit-palit ang kanyang mga alalay, ano nga ba ang dahilan kung bakit walang tumatagal na PA sa magandang aktres?

Kuwento ng isang source, “May pagkaburara kasi si ____(pangalan ng maganda pa namang female personality). Hirap na hirap ang alalay niya, pagod na pagod!

“Pinagsasama-sama niya ang malilinis at marurumi niyang damit, kung magbihis siya, e, napakadalas pa naman, kaya naiinis ang PA niya!

“Kapag nasa taping sila, ang mga kasamahang alalay nu’ng assistant niya, e, nagkukuwentuhan na , nagbibiruan, pero ang alalay niya, e, nakabantay pa rin sa kanya,” umpisang kuwento ng aming impormante.

Wala pang isang buwan ay iba na naman ang kasama ng babaeng personalidad para umalalay sa kanya. Bagong mukha na naman, nalilito na tuloy ang mga kasamahan niyang artista, dahil pabagu-bago ang PA niya.

“Stay-in ang alalay niya. Nu’ng umalis na sa poder niya ang PA, ikinuwento ng girl ang dahilan kung bakit. Parang ahas lang daw na naghuhunos ang boss niya kapag nagbibihis.

“Meron namang lalagyan ng marurumi niyang damit sa CR, pero kinatatamaran pa, kaya ang mga damit niya at underwear, e, nakakalat lang sa floor! Ganu’n kuno ang female personality!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Pero nagbabago nga ang tao kapag nagtatagal na, natuto na siyang mag-ayos ng kanyang mga kagamitan, para ngang hindi na niya kailangan pa ng alalay kapag nasa shooting o taping siya.

Balik-chika ng aming source, “Maayos na siya, malinis na siya sa mga stuff niya, marunong na siyang maghiwalay ng malinis at maruming damit niya. Parang wala na ngang pakinabang ang PA niya, e.

“E, dalagang-dalaga na kasi siya, alangan namang burara pa rin siya sa age niya, di ba? Pati ang make-up kit niyang masyoho at marumi dati, e, napakaayos na!

“Opo, nagbabago talaga ang tao for the better, totoong-totoo po,” pagtatapos ng aming impormante.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kris tinawag na ‘desperada’

Gising na gising na naman ang mga bashers ni Kris Aquino. Nakasilip na naman ng butas na masisilip ang mga ito para husgahan ang aktres-TV host.

Nagpaalam kasi si Kris kay Bimby na papasukin na niya ang Tinder app, pumayag naman ang kanyang bunso, agaran na siyang tinawag na desperada ng kanyang mga bashers dahil sa ganu’ng paraan na raw siya maghahanap ng karelasyon.

Bukas ay singkuwenta anyos na si Kris, sa kulturang Pinoy ay nasa edad na siya ng naghahabol ng huling biyahe, mahigit na isang dekada na rin kasi siyang walang boyfriend.

May mga palutang nu’n na naging magkarelasyon sila ni Mayor Herbert Bautista, pero si Kris lang naman ang nagbibigay ng ganu’ng insinwasyon, walang anumang kumpirmasyong nanggaling sa aktor-puliitko.

Pagkatapos ng relasyon nila ni James Yap ay wala nang naugnay kay Kris, maraming kuwento-kuwento, pero wala namang nagtuloy-nagkatotoo.

Hindi puwedeng husgahan si Kris bilang desperada, hindi pa naman nagsasarado ang pintuan ng pakikipagrelasyon para sa kanya, takdang panahon lang ang kailangan niyang hintayin.

Ang hindi lang nakaganda sa kanyang pakikipagrelasyon ay hindi maganda ang kanilang paghihiwalay. Palaging nagkakaroon ng kontrobersiya. Kay Kris nagmumula ang mga kuwento.

Kapag ganu’n ang palaging nagaganap ay matatakot talaga ang mga kalalakihan. Kahit gustung-gusto na siyang makarelasyon ay magdadalawang-isip.

Bekengenemen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.