Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality dedma sa buntisan

0 201

Pagpansin ng mas nakararami ay magaling pumaraan ang isang female personality tungkol sa isyung kinasasangkutan ng isang personalidad na napakalapit sa kanyang puso.

Sabi ng isang source, “Bakit nga naman siya magbibigay ng kahit anong statement, e, pinag-uusapan ang taong napakalapit sa kanya ngayon! Kung magsasalita siya, e, di hindi na ‘yun pagpipistahan ng publiko?”

Maparaan nga ang female personality, naglalabas siya ng mga retrato nila, pero deadma lang siya sa isyung kinapapalooban ng mas batang female personality.

Balik-kuwento ng aming impormante, “Dati, e, siya pa nga ang naglalabas ng mga kuwento tungkol sa girl. Kung anu-anong issue ang ipino-post niya, pero ngayon, speechless ang female personality!

“Wala siyang maikuda ngayon, magkasama pa sila ng girl, pero talagang deadma lang siya sa issue ng buntisan!” sabi uli ng aming source.

Botong-boto nga ang female personality sa karelasyon ngayon ng girl, kabaligtaran naman nu’ng ang karelasyon nito ay ang young actor na ayaw na ayaw niya, marespeto raw kasi ang kanyang manugang na hilaw ngayon.

Naalala ng aming source, “Nu’ng ang boyfriend ng girl, e, ang young actor, panay-panay ang paglalabas niya ng mga isyung kontra sa bagets actor! Lahat na lang, e, pinapansin niya.

“Pero ngayon, ka-join pa siya ng magkarelasyon! Kasali siya sa casting! Nakikipagsaya pa siya sa grupo! At talagang deadma siya sa isyung kumakalat ngayon tungkol sa girl!

“Magaling siyang pumaraan para patuloy na pagpistahan ang kuwento tungkol sa girl, libreng promo nga naman ‘yun! Ano ba namang agad-agad niyang sabihing walang katotohanan ‘yung balita?

“Pero ayaw niya, buhay na buhay kasi ang publicity ng girl habang wala sila sa bansa, kaya bakit nga naman siya kukuda?

“Abangan na lang natin kung ano ang totoo tungkol sa kuwento, hindi natin maaasahang magsalita ang female personality, magaling siyang pumaraan!” naiinis na pagtatapos ng aming source.

SM SuperKidsDay Banner Ad

-o0o-

Ted, DJ Chacha walang itatapon sa show

Tinutukan namin ang unang sultada ng tambalang Ted Failon-DJ Chacha sa Radyo Singko, FB Live, TV5, One PH kahapon. Apat na oras ‘yun, pero wala kang mararamdamang inip sa pagtutok sa kanila, dahil punumpuno ng impormasyon ang kabuuan ng programa.

Sa unang pagkarinig namin sa boses ni Ted Failon ay may naramdaman kaming kilabot. Wala ngang katiyakan ang kapalaran natin. Sino ba ang mag-aakala na pagkatapos nang tatlong dekada niyang paglilingkod bilang newscaster at komentarista sa ABS-CBN ay nandito na siya sa TV5 ngayon?

Umiikot ang gulong ng buhay, nagbabago ang ating kapalaran, ang boses na dati nating naririnig sa DZMM ay nasa Radyo Singko na ngayon.

Walang kupas ang pagiging broadcaster ni Kuyang Ted. Malalim ang pag-aanalisa niya sa mga isyung bumabalot sa ating bayan, kumpleto rin ang programa sa pag-iinterbyu ng mga opisyal ng ating pamahalaan, kumpletos recados ang tambalan nila ni DJ Chacha.

At meron pa silang ipinamamahaging ayuda sa ating mga kababayan, dalawang libong piso ang nakalaan para sa mga lucky callers, malaking biyaya ‘yun ngayong panahon ng pandemya.

May panauhin din silang pastor para magbigay ng tagubilin at panalangin para sa mga kababayan nating kinakapos na ng pag-asa ngayong pandemya.

At sa huling yugto ng programa ay may sahog pang musika. Matagal nang pangarap ni Kuyang Ted ang pagiging FM deejay, natupad ito sa paglipat niya sa Radyo Singko katambal ang deejay talagang si DJ Chacha.

At nakakatuwa si DJ Chacha, malaking ambag ang kanyang presensiya sa programa, bukod sa nakikipagsabayan ito sa pagbabalita ay lumulutang ang kanyang pagiging deejay na napakasarap sa tenga.

Nagbago na ang bawat umaga ngayon ng ating mga kababayan, sinundan si Ted Failon ng kanyang mga suking tagapakinig-tagapanood, nasa Radyo Singko na sila ngayon!

Maligayang bati sa kanilang tambalan ni DJ Chacha na mula umpisa hanggang sa huling segment ng programa ay wala kang itatapon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.