Abante Tonite Interactive

Female personality dedma sa girl na nang-iinis

292

tonite-no-thanks-cristy-fermin

SIGURADONG nagtaas lang ng kilay ang isang magandang female persona­lity tungkol sa ginagawang pag-iingay ngayon ng isang kontrobersiyal na female personality.

Open secret ang kanilang hindi pagkakasundo, magkakontra ang dalawang babaeng personalidad na ito, hindi sila nagpapansinan kapag nagki­kita sila sa mga pagtitipon sa showbiz.

Kuwento ng aming source, “Naku, kung ang tatanu­ngin natin kung sino ang tunay na bully at nagpapairal ng power trip, e, ang aktres na ‘yun, siguradong magtataas siya ng kilay!

“Di ba, matagal na silang may away? Matagal na siyang binu-bully ng female personality, kaya lang, e, hindi niya pinapatulan?

“Ang katwiran siguro niya, e, bakit siya papatol sa female personality, e, hindi naman sila magka-level? Ang layu-layo nga naman ng comparison, ha?” napapailing na ­kuwento ng aming impormante.

Ang female personality kasing hindi ­patola ay may masayang personal na buhay. Pinakasalan siya ng kanyang mister na mula sa buena familia.

“Naman! No comparison talaga! Pati sa itsura nila, walang pagkukumpara dahil natural beauty pa rin ang meron ngayon ng female persona­lity!

“Hindi siya retokado, na­tural na natural pa ring ang kagandahan niya. E, bakit nga naman niya papatulan ang girl na matagal nang nang-iinis sa kanya?

“Sayang lang ang oras niya, hayaan na lang niyang mang-inis ang girl, kasi nga, hindi naman masaya ‘yun sa buhay niya! Paano siya magiging masaya, may hawak ba siyang titulo? Puwede ba niyang tawaging husband ang lalaking mahal niya kuno?” nakairap na pagtatapos ng aming source.

 

Iza, Alice makapigil-hininga ang titigan

ANG ganda-ganda ng eksena habang tinitingnan nang diretso sa mga mata ni Iza Calzado ang nakakulong niyang kalaban na si Alice Dixson pati ang kunsintidora nitong inang si Maria Isabel Lopez.

Gising na gising na nga si Rebecca mula sa mahabang pagiging comatose dahil sa pagpapapatay sa kanya ni Stella na hindi naging matagumpay.

Makapigil-hininga ang tagpong ‘yun habang tinititigan ni Iza si Alice na bali na nga ang pakpak pero walanghiya pa rin.

Ang pangako ni Rebecca, kahit maubos pa ang kanyang kayamanan ay gagawin niya, mabulok lang sa bilangguan si Stella at ang ina nito.

Paganda na nang paganda lalo ang mga eksena sa Ngayon At Kailanman dahil sa January 21 ay ipanganganak na ang The General’s Daughter na papalit sa serye.

At napakaganda ni Iza Calzado sa eksena sa bilangguan. Hindi siya bumibitiw sa pagtitig kay Alice na nagkunwari pang nakikipagkasundo kay Eva (Julia Barretto), pero may maitim pa rin namang balak para ipapatay ang dalaga.

Tama ang kanilang anunsiyo, hindi na dapat pakawalan ang gabi-gabing sultada ng serye, dahil ang mga nagmamataas noon ay parurusahan na ngayon.

 

Maraming buhay ang maisasakripisyo kay Rowell

 

 

DINALAW kami ni Rowell Santiago nu’ng isang tanghali. Hindi niya kami nakalimutang regaluhan ng makasaysayang sardinas na ang timpla at lasa ay mula sa namayapa niyang inang si Mama Ling.

Relax-relax lang sila ngayon sa Ang Probinsyano pero ginagawa na nila ang mga eksenang punumpuno ng aksiyon na siguradong ipagbubunyi na naman ng kanilang mga tagasuporta.

‘Yun ang hinahanap ng mga kababayan natin, ang pakikipagbakbakan ng grupo ni Coco Martin sa mga tiwaling pulitiko, kailangan na uling sumalakay ang ­Vendetta.

Kapag nagsimula na ang kampanya ay mawawala na sa matagumpay na serye sina Edu Manzano, Lito Lapid at Mark, Roderick Paulate at Konsehal Jhong Hilario.

Ang sigurado ay babalik uli sa Palasyo si Rowell Santiago. Pero bago ‘yun mangyari ay maraming buhay ang maisasakripisyo.