Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality ‘di kasundo ang pamilya

0 66

Sa kabila ng napakapabolosang buhay ng isang female personality ay maraming kulang sa kanyang buhay. Sabi nga ng isang sikat na babaeng personalidad, “You cannot buy happiness!”

Pinagpipistahan ang kanyang mga posts, para sa mga nangangarap ay isa siyang malaking inspirasyon, hindi nga naman masamang mangarap.

Pero sabi ng isang mapanuring source, “But look at her eyes. Maligaya ba siya? Hindi nakapagsisinungaling ang mga mata!”

Kung tititigan ang mga mata ng female personality ay mapapansin nga nating oo nga, kahit nakangiti siya, may nakatago pa ring lungkot sa kanyang mga mata.

Kuwento ng aming impormante, “Alam naman natin ang katotohanan na kapag hindi natin kasundo ang mismong family natin, e, balewala ang kahit ano pang meron tayo.

“Mapera ka nga, napakarami mong maipagmamalaking branded stuff, kung hindi mo naman kasundo ang family mo, e, nandu’n pa rin ang lungkot.

“’Yun ang kulang sa kanya, may hinahanap ang mga mata niya, ‘yun ang happiness na hindi niya mabibili kahit sa mga branded shops pa sa ibang bansa!” unang kuwento ng source.

Tumahimik na lang ang kapaligiran para sa kampo ng aktres at ng kanyang pamilya pero hindi ‘yun naiiwasang mapagkuwentuhan ng kanilang mga amiga.

“Malaki ang family nila, palagi silang may bonding, pero hindi siya naiimbita. Nagtataka nga ang family friends nila kung bakit. Siya lang ang wala sa mga okasyon ng pamilya nila.

“Wala na tayong naririnig at nababasa, pero hindi pa rin pala tapos ang kuwentong pinag-aawayan nila nu’n? Akala natin, e, tapos na ang kuwento pero hindi pa rin pala?

“Hindi pa rin pala tanggap ng family ng girl ang special someone niya? Sabagay, kitang-kita naman ang proof, ni hindi sila nagkikita, dahil kung may ganu’n, e, siguradong ipinost na ng girl!

“Masaya siya, pero hindi siya maligaya, malungkot ang puso niya,” madiing pagtatapos ng aming source.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Derek ‘pampagulo’ sa utak ni Elias

Kung totoo mang may pagkakaunawaan na ngayon sina Derek Ramsay at Ellen Adarna ay wala namang masama. Libre nang maghanap ng ibang babae si Derek dahil tapos na ang relasyon nila ni Andrea Torres.

Ganu’n din si Ellen, matagal nang natuldukan ang relasyon nila ni John Lloyd Cruz, ang kanilang anak na lang na si Elias ang nag-uugnay sa kanila.

Pero sana, kapag nagkikita sina Derek at Ellen, ay hindi na isinasama pa ng sexy actress ang kanilang anak ni JLC. Napakamura pa ng edad ni Elias, hindi pa nito kayang unawain ang sitwasyon, masyadong maguguluhan ang bata.

Naghihiraman sila sa kanilang anak, may mga araw na nasa piling ng aktor ang bata, pagkatapos ay parang bola ng PBA na ibabalik na uli ito sa poder ng kanyang ina.

‘Yun lang muna ang kayang unawain ni Elias, na hiwalay man ang kanyang mga magulang ay nakakasama nito ang kanyang ama’t ina, hanggang du’n pa lang ang kayang takbuhan ng murang isip ni Elias.

Napakaaga pa para magkaroon ng confusion si Elias. Kasama nito ang kanyang tatay kahapon, kinabukasan ay sila naman ni Derek ang magkasama, dahil binibitbit nga si Elias ng kanyang ina.

Madalas ipagmalaki ni Ellen Adarna na matalino raw si Elias, iba raw ang takbo ng isip ng anak nila ni John Lloyd, magandang kuwento ‘yun.

Pero may mas malalim na anggulo ng buhay ng bata na kailangang ingatan si Ellen. Hindi niya dapat ginugulo ang napakamurang isip ng kanyang anak.

“Walang masama kung meron na siyang nakitang kapalit ni John Lloyd, but she should also give importance to her son’s emotion. Dahan-dahan lang dapat, confusion will eventually have an effect to her son’s very young mind.

“Hindi pa kayang intindihin ng bata ang ganu’n, ang alam lang niya, e, may tatay siya, ‘yung third party, hindi pa ‘yun maga-grasp ng bata,” komento ng kaibigan naming child psychologist.

Yown!

Leave A Reply

Your email address will not be published.