Abante Tonite Interactive

Female personality ‘di makapagbayad sa hotel

0 605

NAG-check-in nu’n sa isang hotel ang isang kilalang female personality. Hindi naman five-star hotel ang pansamantala niyang tinirhan, mura lang ang daily rate, kayang-kaya ng kanyang bulsa ‘yun.

Inaabot siya nang isa-dalawang linggo sa nasabing hotel, kilalang-kilala na siya ng hotel staff, hindi na siya pinagdududahan kahit ma-delay ang kanyang bayad sa pagtira du’n.

Kuwento ng aming source, “Pero nasira siya sa pangako niya, madalas na siyang hindi nakatutupad sa bayad, pinaghigpitan na siya ng hotel.

“Para payagan pa rin siyang tumira du’n, iniwanan niya muna ang mga branded bags niya, parang ‘yun ang guarantee na magbabayad siya dahil yayamanin ang kanyang mga kagamitan.

“And ending, ibinenta niya na lang ang mga branded bags niya sa owner ng hotel para hindi siya ireklamo. Nagbibisyo kasi siya, palagi siyang parang nakalutang sa alapaap.

“Sinira niya ang tiwala sa kanya ng isang mayamang businessman na seseryosohin na sana siya talaga, pero gumawa siya ng kalokohan.

“Sayang, ang ganda-ganda pa naman niya, talented din siya, pero may kalikutan ang kanyang mga kamay. Goooonnnngggg!!!!” pagtatapos ng aming source.

Beki celeb peke ang litanya sa pamilya

ANG galit daw na wala sa katwiran ay inggit lang ang dahilan. ‘Yun nga siguro ang pinagdadaanan ngayon ng isang sikat na becki personality, maraming naiinggit sa kanya, hindi naman kasi maitatanggi na sikat na sikat na siya ay super-yaman pa.

Kuwento ng aming source, “Pinagtataasan ng kilay ng mga kapwa niya becki ang mga sinasabi niya sa ere. Lalo na tungkol sa family niya, naku, kaplastikan daw ‘yun, sabi ng mga becki na matagal niyang nakasama sa trabaho.

“Fake daw ‘yun, dahil kilalang-kilala nila ang karakas ng sikat na becki, hindi raw sila mapaglalakuan, dahil isang pinggan lang ang pinagkakainan nila nu’n!” unang komento ng aming impormante.

Hindi tanggap ng mga ito ang katotohanan na nagbabago ang tao, maaaring hindi nga siya malingap nu’n sa kanyang pamilya, pero ibang-iba na siya ngayon.

“Naku, hindi ‘yun binibili ng mga dati niyang katrabaho, pang-camera lang daw ang mga ikinukuda ng becki, dahil ang totoo, maraming relatives nila ang may malaking tampo sa kanya!

“Kumbaga, e, kaya niyang paniwalain ang mga televiewers, pero hindi sila, dahil napakatagal naman kasi nilang nagkasama sa work, kaya alam na alam nila ang kartada ng becki!

“Kaya kapag naglilitanya na siya sa TV tungkol sa family niya, e, nagtataasan ang kilay ng mga dati niyang kasamahan, it’s a fake daw!

“Tinataray-tarayan daw niya kasi nu’n ang mga taong nagmamahal sa kanya, lalo na pagdating sa datung!” huling kuwento ng aming source.

Julia nanakit ang katawan kay bagyong Gerald

PAHUPA na ang malakas na bagyo sa buhay ni Julia Barretto. Matagal ding nanalasa sa kanyang buhay at career ang bagyong Gerald Anderson.

Nakatikim ng kaliwa’t kanang bimbang sa social media ang dalagang aktres, lahat ng puwedeng ipintas sa kanya ay naramdaman niya, hindi nga siguro nakita ni Julia kahit sa kanyang panaginip lang na ganu’n pala ang kahihinatnan ng pakikipaglapit niya sa hunk actor.

Sabi ng kaibigan naming propesor, “Siguro naman, e, may natutunang leksiyon si Julia sa nangyari. Kahit anong pagde-deny pa ang gawin niya, e, nangyari na ang hindi dapat mangyari.

“Magiging maingat na siguro siya ngayon, hindi na siya magpapairal ng basta emosyon lang, wala nang ligtas na personality ngayon sa social media!” sabi ni prop.

Masakit pa ang katawan ngayon ni Julia sa hindi na mabilang na suntok at sapak na natikman niya nang dahil kay Gerald.

Magiging maingat na talaga siya ngayon. Naranasan na niya ang pinakamatinding bagyo, na kinaya niya namang pagtagumpayan, pinatapang na ngayon ng panahon si Julia Barretto.