Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality ‘di masaya sa asawa

0 62

Kinaliskisan ng magkakausap na becki kung sinu-sino ang mga female personalities na sa unang tingin pa lang ay sigurado nang maligaya ang buhay.

May mga artista kasing pamilyado na pero parang hindi pa rin masaya, marami pang kulang sa kanilang buhay, naghahanap pa ng kukumpleto sa kanila.

Kuwento ng aming source, “Wala silang magawa that time, kaya ang tinutukan na lang ng mga becki, ang pakialaman ang buhay ng mga may asawa nang artista.

“Una nilang sinipat ang itsura ng isang magandang female personality at ang guwapo niyang husband. Panalo! Kitang-kita ang kaligayahan nila lalo na kapag kasama ng mag-asawa ang kanilang mga anak!

“Ang sumunod naman nilang panghimasukan, ang isang sikat na singer-actress at ang kanyang mister na pulitiko. Panalo rin! Masaya ang kanilang pamilya kahit magkaiba ang nililinyahan nilang karera.

“Ang isang guwapong male personality naman ang isinunod nila, non-showbiz ang kanyang misis, mukhang ewan ang girl, parang sunud-sunuran lang sa kanyang nagkakaedad nang husband.

“Isa pang kinaliskisan ng grupo, e, ang mag-asawang hindi naman kasikatan, pero hindi nawawalan ng trabaho, panalo rin ang paghusga ng mga becki, masaya ang kanilang relasyon!” umpisang kuwento ng aming impormante.

Siyempre naman, hindi mawawala ang kuwento ng kabaligtaran, ‘yong sa unang tingin pa lang ay parang nangangapa ang babae kung masaya ba siya o ano.

Patuloy ng aming source, “May nagpakita sa cellphone ng picture ng isang kilalang female personality. Maganda siya, sosyalera ang lola n’yo! Sabihin n’yo kung ano ang uso at meron siya nu’n, puro branded pa!

“Nahirapan ang mga becki, hindi nila ma-judge kung ang mga suot na branded stuff ng girl ang nagpapasaya sa kanya o ano. Wala kasi silang makitang kaligayahang natural sa face ng girl!

“Magkaiba sila ng linya ng husband niya, pareho naman silang successful, pero bakit walang nakaguhit na happiness sa face ng girl?

“Ano pa ba ang kulang sa kanila para maging super-happy na talaga ang girlash? Nabigla lang kaya siya sa pag-aasawa? Mahal ba talaga niya ang guy? Mahal din ba siya talaga ng lalaki?

“Iiwanan na namin sa inyo ang panghuhula kung bakit. Puso n’yo ang makahuhusga kung bakit mukhang hindi naman happy ang female personality!” madiing pagtatapos ng aming source.

Barbie ayaw sa US trip ni Diego

Kailangang linawin nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial ang totoong estado ng kanilang relasyon ngayon. Sa Amerika nag-Pasko si Diego kasama ang kanyang mga pinsan, hindi kasama si Barbie, bakit hindi ito kasama ang linuurirat ng marami.

At bakit tahimik ang magkabilang kampo? Dati ay nagpo-post sila ng malalagkit nilang mensahe bilang paramdam sa kanilang pagmamahalan.

Pero nu’ng Kapaskuhan ay wala silang pagpapalitan ng post, napakalamig ng kanilang Pasko, ano ba ang totoo sa kanila?

Nauugnay ngayon si Barbie kay Tony Labrusca, pero bakit kaya ayaw bilhin ng iba ang kuwento, meron kaya silang naamoy na kung ano o ipinagpalagay nila na magkaibigan lang naman ang dalawa.

Kung gaano kainit ang pagmamahalan nu’n nina Diego at Barbie ay ‘yon naman ang paglamig ngayon ng kanilang relasyon. Isang souce ang nagbulong sa amin na nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan bago mag-Christmas.

“Ayaw paalisin ni Barbie si Diego pero napakatagal nang plano ‘yon ng magpipinsan. Committed na siya sa mga relatives niya,” sabi pa ng aming source.

Kailangan na nilang magpakatotoo. Sabihin dapat nila kung ano ang nangyari para hindi na sila pinagpipistahan ng mga Marites.

Leave A Reply

Your email address will not be published.