Abante Tonite Interactive

Female personality ‘di nakilala ng anak sa retokadong mukha

773

SA wakas ay huminto na pala sa kinagiliwan niyang pagpaparetoke ng mukha at katawan ang isang pamosong female personality. Ayon sa isang source ay halos sa clinic na ng paborito niyang doktor nakatira ang babaeng personalidad.

Milyun-milyon na ang nagagastos ng aktres sa pagpapasalamat po, doktor niya, wala na nga yatang natitirang orihinal sa kanyang mukha at katawan dahil sa nakahiligan niyang dibersiyon, ang magpaopera at magpaturok.

Kuwento ng isang source, “Alam n’yo ba kung bakit tumigil na siya? Nu’ng minsan kasing sunduin niya sa airport ang anak niya, e, hindi sila magkita-kita!

“Magkausap na sila sa phone nu’ng lagay na ‘yun, ha? Kapag tinatanong siya ng anak niya kung nasaan siya, e, sasabihin niya naman kung saang part siya nandu’n!

“Pero hindi pa rin sya makita ng anak niya! Siya lang ang nakakakita sa susunduin niya, pero siya, e, hindi makita ng anak niya!

“Finally, e, siya na ang lumapit sa anak niya, windang na windang ang girl, matagal na pala niyang nakikita ang babaeng ‘yun sa karamihang sumasalubong, pero hindi niya nakilala na mommy na pala niya ‘yun!

“Naloka ang anak niya, ‘Mommy, what happened to your face? It’s not the real you, anymore!’ Walang maisagot ang female personality, bakit nga, ibang-iba na talaga ang itsura niya!

“Hindi na gumagalaw ang noo niya sa kapapa-bottox niya! Ang nguso niya naman, e, parang ginawang boxing arena ng mga nag-aaway-away na bubuyog sa sobrang pamamaga at panunulis at pangangapal!

“Ang mga mata niya, e, nagbago na rin ang shape, namamaga rin ang mga pisngi niya dahil sa kapapaturok! E, talagang hindi na nga siya makikilala kahit ng mismong anak niya sa sobrang pagbabago ng features niya!

“Kaya ayun, nauntog siya sa katotohanan na kailangan na niyang tumigil sa kapaparetoke dahil anak na nga niya mismo, e, hindi siya nakilala, ang ibang mga tao pa kaya?

“Nakakaloka! Ang nagagawa nga naman ng salapi!” napakahabang kuwento ng aming impormante.

Galit kay KC kumambyo

NAPAKABILIS ng pagbaligtad ng senaryo tungkol sa mag-inang nagkakatampuhan. Kung nu’ng una ay halos ipako na sa krus ng mga netizens si KC Concepcion dahil sa diumano’y kawalan ng utang na loob at pagpapahalaga sa kanyang ina ay biglang kambiyo na ngayon ang mga nagagalit sa anak ni Sharon Cuneta.

Ito na ang kanilang kinakampihan ngayon, ang Megastar na ang bina-bash, ang kadaldalan daw ni Sharon ang ugat ng mga nagaganap na kontrobersiya sa personal nilang buhay.

Eksaktong komento ng isang basher ng aktres, “Di ba, you and your big mouth lang ang dapat sisihin kung bakit malayo ang loob sa iyo ng anak mo?

“Ilang beses mo na ba siyang inilaglag in public? Puro ka pasaring! Pupurihin mo nang pupurihin si Frankie, halos luhuran mo na ang kabaitan ng anak n’yo ni Kiko, pero ang gusto mo lang namang ipaalam sa post mo, e, walanghiyang anak si KC?

“Sana, magpurihan na lang kayong mag-ina sa bahay n’yo! Huwag mo nang ipino-post pa ‘yun para kawawain mo si KC!” inis na sabi ng kanyang basher.

Nasasaktan si Sharon, wala raw alam ang mga bashers sa nagaganap sa buhay nilang mag-ina, kaya huwag silang makialam.

Ay, lalo siyang niresbakan ng kanyang mga bashers, mas wagas ang mga aryang ipinatikim laban sa kanya!

Pag-iisahin na lang namin ang buod ng kanilang komento dahil pare-pareho lang naman, si Sharon pa rin ang kanilang sinisisi, dahil kung hindi niya ipinahiya si KC on national television at sa kanyang mga posts ay talagang wala naman sanang alam ang publiko tungkol sa kanilang mga problema.

Sabi ng isa, “Kung ayaw mong nanghihimasok ang mga tao sa buhay n’yo, tumigil ka sa pagpo-post! Tantanan mo ang mga kadramahan mo! Sarilinin mo na lang ang kaartehan mo!”

Aray ko!