Abante Tonite Interactive

Female personality dinededma ng kanyang mga kababayan

By
0 558

tonite-no-thanks-cristy-ferminWala ngang bayani na dinadakila sa sarili niyang bayan. Kung paanong wala ring personalidad na itinataas at pinupuri ng kanyang mga kababayan.

Karaniwang ganu’n ang nangyayari sa mga sumisikat na artista, kung sino pa ang sari­ling kanila na matatawag, ang mga ‘yun pa ang nanglalaglag sa kanila.

Kuwento ng aming source, “Tingnan n’yo si ____(pangalan ng isang sikat na female perso­nality), kapag kinausap mo ang mismong mga kababayan niya, e, puro pintas ang maririnig mo. May mga nagsasabi naman ng magagandang salita patungkol sa kanya, pero iilan lang ‘yun, mas maraming ayaw sa kanya.

“Walang sariling bahay na inuuwian sa bayan nila ang aktres, sa hotel lang siya tumitira, nakapagtataka nga naman kung bakit sa mga milyones na kinita niya at dumaan sa mga palad niya, e, wala man lang siyang naipundar na bahay sa town nila.

“Ang kuwento kasi, e, napakaraming nagsamantalang empleyado ng female personality, yumaman kuno ang mga taong ‘yun, kaya siya ang naiwang nganga. Namili siya ng mga properties sa probinsiya nila, pero kamukat-mukat mo, wala naman palang value ang mga binili niya,” simulang kuwento ng aming impormante.

Kinapos daw ang sikat na female personality sa pakikisama sa kanyang mga kababayan, mula raw nang suwertihin siya sa buhay ay nakalimot na siyang lumingon sa kanyang nakaraan, lalo na sa mga taong nakatulong sa kanilang pamilya nu’ng walang-wala pa sila.

“Madali namang intindihin ‘yun dahil sa sobrang busy niya nu’ng kasagsagan ng career niya. Halos wala na siyang tulog at pahinga nu’n. Wala siyang sariling panahon, publiko ang may-ari ng buhay niya nu’n.

“Pero sana, bumawi siya nu’ng meron na siyang panahon. Wala naman siyang masyadong trabaho, pero hindi pa rin siya dumadalaw sa pinanggalingan niya.

“Kaya kapag may kinausap kang mga kababayan niya, e, parang care bears na rin sa kanya. Parang wala silang naririnig, deadma sila!” pagtatapos ng aming source.

Sunshine nagpatutsada kay Cesar

Walang ibang taong pinatutungkulan si Sunshine Cruz tungkol sa pagiging iresponsable kundi ang ama ng kanyang mga anak. Kahit papikit ay alam ng lahat na si Cesar Montano ang pinariringgan ni Sunshine sa kanyang mga posts.

Nagkasuhan na sila, nagharap na sila sa korte, may napagkasunduan na silang halaga ng sustento para sa kanilang mga anak. Pero sa tabas ng pagsasalita ng aktres ay hindi sinusunod ng aktor ang kautusan ng husgado.

Nakakalungkot ang mga ganitong kuwento. May salapi naman ang ama, pero nagpapabaya sa kanyang obligasyon, ‘yun ang nagtulak kay Sunshine na manghingi na ng tulong sa pamamagitan ng social media.

Isinumbong na niya ang mga pagkukulang ni Cesar sa kanilang mga anak, hindi niya malaman kung bakit hindi sinusustentuhan ng aktor ang mga nagla­lakihan na nilang anak, samantalang kargado naman ang bulsa nito.

Lalo na nu’ng kasagsagan ng kontrobersiya sa Department Of Tourism, nasangkot si Cesar Montano sa paggastos nang sobra-sobra para sa kanyang mga proyekto, mas naiisip tuloy ng marami kung saan nito dinadala ang kanyang pera.

Nagtatrabaho si Sunshine, hindi naman siya ang klase ng babaeng basta magpapasarap na lang sa buhay at maghihintay ng tulong mula sa dati niyang mister, pero hindi ‘yun nagbibigay ng karapatan kay Cesar Montano na basta pabayaan na lang ang kanilang mga anak.

Kakambal ng pagiging ama ang pagbibigay ng ikabubuhay ng kanyang mga anak, kailangang gawin niya ang kanyang obligasyon, hindi puwedeng gamiting katwiran na nand’yan naman ang ina ng mga bata kaya mabubuhay pa rin ang kanilang mga supling.

Mahirap maging tatay pero mahirap ding ma­ging nanay.