Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality dinedma ng kapamilya

0 325

Kung maraming kababayan na natin ang nakatatanggap sa sinasabing new normal ay mas marami pa rin ang hanggang ngayo’y inip na inip na sa sitwasyon ng pandemya.

Lalo na ang mga taong walang magawa sa buhay, natural lang ang pagkainip, nabuburyong sila sa maghapong kawalan ng ginagawa.

Tulad ng isang kilalang female personality, wala naman kasi siyang iniintinding kabuhayan showcase, kahit ilang pandemya pa ang maganap ay bonggang-bongga pa rin ang kanyang estado dahil mayaman ang kanyang partner.

Kuwento ng isang source, “Ayun, dahil sa sobrang pagkaburyong niya na hindi man lang siya makalabas ng bahay, e, mukhang naghahanap na naman siya ng controversy.

“Madatung man siya, e, hindi naman siya makapag-shopping, kaya buryong na buryong na siya ngayon. So, para hindi naman boring ang buhay niya, e, kailangan niyang gumawa ng mapag-uusapan.

“At ano ba ang pinakamagandang issue na puwedeng mapag-usapan, e, di ang inisin niya ang mismong kapamilya niya!” tawa nang tawang unang kuwento ng aming impormante.

Kaso lang ay walang panahon sa kanya ang mga taong pinariringgan niya. Maraming pinagkakaabalahan ang mga ito kaya hindi siya pinapansin.

“Ito lang kasi ang time para maasikaso ng isang young female personality ang sarili niyang buhay. Naging sobrang busy siya bago nagkaroon ng pandemya, kaya ngayon pa lang niya nabibigyan ng time ang mga personal niyang pangangailangan.

“So, salita nang salita ang naiinip na female personality, inilalaglag niya ang young actress, pero wala namang sumasagot sa mga pinatututsadahan niya!

“Sino ngayon ang nagmumukhang eng-eng? Nangpo-provoke siya, pero wala namang kumakagat sa pambu-bully niya? Naku, abalahin na lang kasi niya ang sarili niya!

SM food to go Banner Ad

“Magluto siya, magtinda siya online, para hindi siya ganyan na buryong na buryong na sa kawalan ng magagawa sa buhay niya!” nakataas ang kilay na pagkakatapos ng aming impormante.

-o0o-
Nadine pinag-awayan ang ilong

Pinagtitripan ngayon sa social media ang mahiwagang ilong ni Nadine Lustre. Nag-aaway-away sila, marami kasing nagkokomento na sumailalim sa nose enhancement ang young actress, galit naman ang kanyang mga tagahanga dahil wala raw katotohanan ‘yun.

Nag-ugat ang argumento sa pinagsamahang TVC nina Nadine at Alden Richards para sa isang kilalang produktong de-lata. Pansin na pansin daw ang biglang pagtangos ng ilong ni Nadine.

Kung totoo ngang sumailalim sa proseso ng nose enhancement si Nadine ay karapatan niya ‘yun. Namumuhunan ang mga artista, kailangang maganda at sexy sila sa paningin ng publiko, isa ‘yun sa mga puhunan nila sa pag-aartista.

Ano naman ang krimen kung sakali, ang mga Korean stars nga, bago sumalang sa harap ng mga camera ay kailangang pulido na ang kanilang itsura.

Namumuhunan sila, halos lahat ng parte ng kanilang mukha at katawan ay dumadaan sa heringgilya, meron pa nga silang iniinom na kung ano para mapanatili ang kinis ng kanilang kutis na kung tutuusi’y dati nang maganda.

Hanggang hindi inaabala ni Nadine ang ibang tao para pagbayarin sa kanyang pagpapaganda ay walang problema.

Hanggang nababayaran niya ang mga doktor na gumagawa sa kanya ay lalong wala tayong dapat problemahin sa pagpapabago niya sa itsura.

Isa si Nadine Lustre sa biniyayaan ng magandang katawan, kinakambalan pa niya ‘yun ng husay niya sa projection sa mga pictorial, sa totoo lang.
(30)

Leave A Reply

Your email address will not be published.