Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality enjoy magpahangin ng ‘hiyas’

0 45

Kani-kanyang atake lang naman ang mga kilalang personalidad. Kung saan sila kumportable at masaya ay du’n sila.

Bakit nga naman kailangan pa nilang magpanggap lalo na’t nasa sariling bahay naman sila?

May kakaibang nakasanayan ang isang popular na female personality na kanyang-kanya lang. Siya pa lang ang nag-iisang sikat na personalidad na gumagawa ng ganu’n.

Kuwento ng aming source, “Dahil sobra nga siyang pagod sa pagtatrabaho sa maghapon, pagdating niya sa bahay, e, maliligo na agad siya. Wala siyang kaartehan sa katawan.

“Hindi siya tulad ng ibang personalities na kung anu-anong seremonyas ang ginagawa sa katawan. Siya, lotion lang, tapos!” umpisang kuwento ng aming impormante.

Pero kakaiba ang kanyang atake. May sarili siyang paraan para siya maging kumportable. Siya lang ‘yun, kanyang-kanya lang, wala pang ibang gumagawa ng ganu’n.

Patuloy ng aming source, “Hindi siya nagsusuot ng underwear sa bahay. Malaking-malaking lumang t-shirt lang ang suot niya, wala rin siyang bra. Pero bago siya gumawa ng anuman sa bahay niya, e, may sarili siyang seremonya.

“Mauupo siya sa malaki niyang mamahaling chair, magtatapat siya ng bentilador sa kanyang katawan, sentrong-sentro sa tapat ng kanyang pinakaiingatang bulaklak.

“Nagpipista sa pagsayaw ang mga damo sa kabukiran habang sarap na sarap siyang nagpapahangin. ‘Yun ang sarili niyang ritwal. Hindi kumpleto ang kanyang maghapon kapag hindi niya ginagawa ‘yun.

“Napakakumportable niya pagkatapos nang kalahating oras. Parang therapy niya na rin ‘yun dahil maghapong kulob ang kanyang bulaklak. Hindi makahinga.

“Alam ‘yun ng kanyang mga kasambahay, hindi sila pumapasok sa kuwarto ng female personality habang sarap na sarap pa siya sa pagpapahangin ng kanyang bukirin,” detalyadong kuwento ng aming source.

Kilalang-kilala siyang personalidad sa telebisyon. Hindi na kami magbibigay ng clue kung sino ang female personality na ito dahil baka habang tumututok kayo sa kanyang interesanteng programa ay maalala n’yo pa ang kakaiba niyang seremonya sa buhay.

Ha! Ha! Ha! Ha!

-o0o-

Kris wa epek ang feng shui

Kaarawan ngayon ni Kris Aquino. Singkuwenta anyos na ang aktres-TV host. At kapag malapit na ang ating kaarawan, kapaniwalaan nang malapit tayo sa disgrasya, tulad ng nangyari kay Kris.

Naaawang-naiinis na komento ng isang kakuwentuhan namin, “Kasi naman, katali-talino niyang tao, pero kung anu-ano ang pinaniniwalaan niya! Maglagay ba naman siya ng uncut rose quartz sa bathtub niya, natural, matalim ‘yun!

“Napakanipis pa naman ng balat niya, konting gasgas lang, nagkakasugat na siya, ano tuloy ang napala niya?” komento ng aming kausap.

May punto naman ito, sobra nga ang paniniwala ni Kris Aquino sa kung anu-anong paraan ng paggamot sa kanyang mga nararamdaman, samantalang marami naman siyang doktor.

Meron siyang malaking parang Christmas tree noon sa kanyang sala. Ang mga nakasabit du’n ay retrato ng mga taong may mahalagang papel na ginagampanan sa kanyang buhay at career.

Mga larawan niya ‘yun kasama ang mga ehekutibo ng ABS-CBN, ng mga itinuturing niyang bestfriends, pero nagkaroon ba ‘yun ng positibong resulta sa kanya?

Pinagsaraduhan siya ng mga pintuan, bintana at pati bubong ng ABS-CBN. Nagkaroon sila ng problema ng mga kaibigan niya, iilan na lang ang natitirang nakakaalala sa kanya ngayon, kaya hindi naging epektibo ang sinunod niya sa feng shui na Christmas tree.

Wala nang mas hihigit pa sa panalangin. Du’n na lang sana siya tumutok. Tama na ang sobrang paniniwala sa palakang may kagat na pera, sa pusang kaway nang kaway para diumano lumapit ang patung-patong na suwerte.

Happy birthday, Kris!

Leave A Reply

Your email address will not be published.