Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality epal sa pagkain

0 196

Pinagpistahan nang husto sa lahat ng sector ng lipunan ang kinasangkutang isyu ng isang popular na female personality. May kani-kanyang kuwento sila tungkol sa babaeng personalidad na nagpaparamdam ng kanyang kaangasan palagi.

Kuwento ng aming source, “Meron siyang pinupuntahang restaurant, paborito niyang kumain du’n kasama ang mga anak niya. E, paborito ring puntahan ‘yun ng isa pang female personality na sikat sa linya niya.

“Pinagkukumpara sila ng mga manggagawa sa resto na ‘yun. Si Female Personality A raw kasi, e, masyadong maepal. Parang binibigyan niya ng seminar ang mga nagtatrabaho du’n.

“Sasabihin niya sa food server, ‘This is not the right way to cut your ingredients. Dapat, ganito ang hiwa n’yan. Itong pork, dapat, mahahaba ang cut n’yan.’

“Siyempre, customer is always right, sabi nga, kaya hindi na lang kumikibo ang waiter. Napapatango na lang ‘yung pobreng tagasilbi lang naman ng mga pagkain at hindi naman siya assistant ng chef,” unang kuwento ng aming source.

Heto na ang ikalawang popular na female personality, gustung-gusto ito ng mga food server, dahil bukod sa marespeto na ay marunong daw itong magpahalaga sa kanilang eport.

“Puring-puri si ____(pangalan ng sikat na babaeng personalidad) sa restaurant na ‘yun, kasi, very appreciative daw siya. Ang isa pang sinasabi nila, sa bawat lapag daw ng mga order niya sa mesa, e, naka-thank you na agad siya.

“Pinagkukumpara tuloy sila nu’ng isa pang female personality na kahit minsan, e, hindi nila naringgan ng thank you sa dami ng times na nagpupunta siya du’n.

“Suplada raw ang dating ng girl, maraming reklamo, pakialamera pa sa mga food na inoorder niya. Saka hindi pala niya pinakakain ang mga yaya ng mga anak niya na kasabay nilang mag-iina?

“Siguro raw, e, pinakakain, na agad sila sa bahay. busog na sila, kaya hindi na sila join kapag kumakain na sila ng mga anak niya.

SM food to go Banner Ad

“Hay, naku! Kaya gustung-gusto nila ang female personality na mukhang matapang lang, pero mabait daw pala siya sa totoong buhay. Handa na ba kayong hulaan kung sino siya?” pagtatapos ng aming impormante.

Ahahay!

Mga bagets dumiskarte ng Alden concert tiket

Nakakatuwa ang kuwento ng mga kaibigan naming sobrang tagahanga ni Alden Richards ang mga apo. Hindi kasi nila puwedeng palampasin ang virtual anniversary concert ng kanilang idolo sa December 8.

Dahil umaasa pa lang naman ang mga bagets sa kanilang mga magulang ay natural na wala silang pambili ng ticket para sa Alden’s Reality.

Kuwento ng kaibigan naming aliw na aliw sa kanyang mga apo, “Alam mo ba kung ano ang ginawa nila? Of course, bibigyan naman sila ng pambili ng ticket ng parents nila, pero hindi sila umasa lang du’n!

“Nagkasundo silang magkakapatid kasama ang mga kaibigan nila na mag-o-online selling sila ng mga pastries. Marunong kasi silang mag-bake, marami silang alam gawin, ginawa nila ‘yun!

“Sa dami ng mga kaibigan nila, e, successful ang online selling nila, marami silang order palagi, kaya nakaipon sila ng pambili ng ticket sa virtual concert ni Alden!” tuwang-tuwang kuwento ng aming kaibigan.

Ganu’n katindi ang mga tagasuporta ni Alden Richards, sa ikatlong araw pa lang ng paglabas ng tickets ay soldout na agad ang kanyang VIP tickets, hindi siya pinabayaan ng kanyang mga tagahanga.

Sa mga ipinakikitang footage pa lang para sa kanyang anniversary concert ay nang-iimbita na ‘yun, kakaibang-kakaiba ang gagawin ng Pambansang Bae sa pinaghihirapan niyang rehearsal ngayon, kaya hindi pa man ay gusto na naming batiin ang mapusong actor-singer sa nangangamoy na tagumpay ng kanyang konsiyerto sa December 8.

Leave A Reply

Your email address will not be published.