Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality epal sa pagkain

0 929

Nakakaaliw ang mga kuwento tungkol sa isang pamosong female personality na nang matuto nang magluto ay buong-ningning na niyang binigyan ng pasaporte ang kanyang sarili para pakialaman ang atake ng iba sa pagluluto.

Kahit saan siya magpunta para kumain ay talagang binubusisi niyang mabuti ang mga pagkaing ino-order niya. Talagang dumadaan ‘yun sa kanyang pagsusuri.

Kuwento ng isang source, “Nu’ng minsang kumain siya sa isang five-star hotel, pagkalapag pa lang sa table ng mga inorder niyang food, e, sumailalim na sa question ang answer ang waiter.

“Bakit daw ganu’n ang pagkakahiwa sa mga rekadong gulay? Hindi raw dapat ganu’n, kailangang uniform daw ang pagkakahiwa! Para raw magandang tingnan. Para raw mas inviting ang dating sa kakain.

“Ang iba, e, hindi siya sinasagot, pero may iba namang nangangatwiran. Sabi ng isang waiter sa female personality, ‘Ma’m, food server lang po kami, hindi po kami chef.’

“Iirap lang ang girl, sinagot kasi siya ng waiter at tama naman ang point nu’ng tao, hindi naman sila ang nagpi-prepare ng food!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Kahit sa kanyang pagbibiyahe ay ganu’n din ang female personality dahil kapag ibinibigay na ng stewardess ang pinili niyang food ay may kasunod na namang episode ‘yun ng cooking show!

Balik-chika ng aming source, “Marami na naman siyang binubusisi! Bakit daw nakahalo ang sauce sa mismong main course, nakahiwalay raw dapat ‘yun, dahil hindi maganda ang presentation!

“Natural, magpapakabog ba naman sa kanya ang mga flying girls, smart din sila, ha? Ang sinasabi sa kanya, e, may naka-assign sa preparation ng mga food ng passengers, sila lang ang nagsi-serve.

“Kahit saan siya kumain talaga, e, pinakikialaman niya ang mga pagkain! Pati ba naman ang paghihiwa ng karne at mga gulay, e, panghihimasukan pa niya?

Related Posts

“Tingnan na lang sana niya ang mga kasama niya na sarap na sarap sa pagsubo ng mga food na pinakikialaman niya! Ang babae talagang ‘yun, taklesa!” humahalakhak na pagtatapos ng aming source.

-o0o-
ABS-CBN wagi sa hatol ng bayan

Ngayon na ang pinakakaabangang yugto sa kilometrikong pagdinig sa kontrobersiyal na prangkisa ng ABS-CBN. Pagbobotohan na ng mga kongresista kung mabibigyan pa ba ng pagkakataong makapagsahimpapawid uli ang network na ipinasarado nu’ng May 4.

Siguradong parang mga pusang hindi na maihi ang mga ehekutibo ng istasyon, inusal naman ng kanilang mga empleyado at kontratadong personalidad ang pinakamahahaba nilang dasal, umaasa silang magkakaroon ng milagro sa kabila ng pagkontra ng maraming mambabatas sa pagbibigay ng prangkisa.

Maraming butas na nasilip kontra sa pamamalakad ng ABS-CBN ang mga kongresista, nangangako naman ang istasyon na itutuwid ang kanilang mga kakulangan, pero sasapat kaya ang ganu’ng katwiran sa mga mambabatas na handang-handa nang bumoto ng oo o hindi ngayong araw?

Kung ang husgado ng bayan ang magdedesisyon ay panalung-panalo ang ABS-CBN sa botohan, napakatinding dagok para sa mga kababayan natin ang pagkakandado sa network, hinahanap naman talaga natin ang anumang nakasanayan na.

Ngayon pa lang ay ramdam na ramdam na ng industriya ang pangamba ng mga masasagasaang empleyado at artista ng network kapag hindi na sila inisyuhan ng prangkisa.

Nagpahayag na ang istasyon na kapag hanggang sa susunod na buwan ay hindi pa rin positibo ang mga kaganapan ay magkakaroon na ng pagbabawas ng kanilang mga empleyado at papayagan na rin ang kanilang mga artistang magtrabaho sa labas ng kanilang bakuran.

Palagi tayong naniniwala na gumagawa ng himala ang sama-samang panalangin. Maganap sana ‘yun sa pagbibigay ng hatol sa network.

Kapag hindi naganap ‘yun ay wala na tayong magagawa. Isusulat na lang natin ang senaryong ito sa kasaysayan.
(30)

Leave A Reply

Your email address will not be published.