Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality expert sa kamalditahan

0 70

Kung ang mga matagal na palang nakakatrabaho ng isang kilalang female personality ang tatanungin ay hindi na kuwestiyon ang pagiging maldita niya. Hindi na pala isyu ‘yon.

Sirang plaka na pala ang kasupladahan ng female personality kung tutuusin, sanay na ang kanyang mga katrabaho, lumang kuwento na pala ‘yon.

Kuwento ng aming source, “Kahit nu’ng bagito pa lang pala ang girl, e, kabisado na ng mga co-strars niya ang ugali niya! Kahit ang buong production, dinededma lang ang ugali niya!

“Dati na pala siyang Simang kung tawagin, kasi nga, palagi siyang nakasimangot, kaya luma nang kuwento ang pagiging maldita niya,” unang sultada ng aming impormante.

Tanggap na ng kanyang mga kasamahan ang kamalditahan ng babaeng personalidad, nakarating na rin sa mga ito ang maraming kuwento tungkol sa buhay niya nu’ng nasa kolehiyo pa siya, ang dami-dami pala.

SM food to go Banner Ad

Sabi uli ng aming source, “Naku, kapag sineryoso mo ang babaeng ‘yon, e, talo ka! Kahit nga ang boyfriend niya nu’n, kapag wala siya sa mood, hindi siya kinakausap!

“Ang drama kasi niya, e, sa kanya nanggagaling ang move kapag okey na siya. So, habang wala pa siya sa hulog, tahimik lang ang male personality na karelasyon niya!

“Nakakaloka! Kapag ayaw pa niyang magsalita, e, basta ganu’n lang? Kapag okey na siya, e, saka pa lang siya puwedeng kausapin? Totoo pala ang mga kuwentong lumalabas tungkol sa kanya sa airport?

“Nangdededma kuno ang babaeng ‘yon kapag may gustong magpa-selfie, samantalang hindi pa naman siya kasingsikat nu’ng mga artistang pumapayag na makipag-picture taking!

“True naman ‘yon! Ano na ba ang puwede niyang ipagmalaki, ang mga serye niya? E, hindi nga niya kayang magdala ng serye, kaya marami siyang nakakasamang artista!

“Nakakapagtaka lang, hindi kaya ang ugali niyang ‘yon ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ng karelasyon niya? True kaya na ayaw sa kanya ng pamilya ng male personality?” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming impormante.

Leave A Reply

Your email address will not be published.