Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality ginamit ng aktres sa pangungutang ng alahas

0 241

Biglang nawala sa isang serye ang isang female personality na maganda pa naman sana ang papel na ginagampanan. Palagi siyang kasama sa mga eksena ng isa sa mga bumibida sa kuwento.

Matagal-tagal din siyang napanood sa palabas, pero isang araw ay bigla na lang siyang naglaho sa istorya, pinalitan na siya ng iba.

May mga nagtatanong, anyare, bakit biglang tinigbak sa kuwento ang female personality? Meron ba siyang nakaaway? Tinanggal ba siya ng produksiyon?

Isang source ang nagkuwento sa dahilan kung bakit. Maselan pala ang isyung ginawa ng female personality sa kanyang kasamahan sa serye.

Kuwento ng source, “Marami palang pinagkakautangan ang female persoanality na ‘yun! Bukod sa pera, nangungutang din siya ng mga alahas! Natural, dahil patung-patong na ang mga utang niya, palagi siyang naiipit sa pagbabayad!” unang hirit ng aming impormante.

Kumuha ng mga alahas ang babaeng personalidad, sabi niya sa alahera ay para raw sa kasamahan niya sa serye ang kukunin niya, nagbigay naman ang alahera.

Patuloy ng aming source, “Nakapaghulog naman ang female personality sa first two months, sa kanya raw kasi pinadadaan ng female personality na nangutang ng alahas ang hulog.

Pero nu’ng mga sumunod na buwan, e, wala nang hulog, nahihirapan daw siyang maningil sa nangutang na female personality, kaya wala rin siyang naibibigay sa alahera.

“Nahintay pa rin nang ilang months ang alahera, hanggang sa naisipan niya na dumerekta na sa nangutang ng alahas sa kanya. Windang ang female personality!” pabiting kuwento ng source.

Nabuking ang female personality, wala naman palang kinuhang alahas ang bumibida sa serye, ginamit lang ito ng female personality na mahilig mangutang.

Balik-chika ng aming source, “Galit na galit ang female personality, nalagay nga naman sa alanganin ang name niya! Pinalabas siyang nangutang ng alahas, pero hindi naman pala siya marunong magbayad!

SM food to go Banner Ad

“’Yun na! Nagdesisyon ang production na alisin na lang sa programa ang mapag-imbentong female personality. Pinalitan na siya ng iba, tigok na siya sa istorya, dahil hindi na siya masisikmurang makaeksena pa ng babaeng personalidad na ipinahiya niya!

“Matatapang pa naman ang mga Waray!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Aljur inakusahang ‘nambabae’

Habang tumatagal, habang tumatakbo ang kuwento ng pinagdadaanan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, ay padagdag na nang padagdag ang mga sinasabing dahilan ng nalalapit nilang paghihiwalay.

Ang unang pumutok na kuwento ay dahil sa pera. Si Kylie diumano ang nagkukuwento na kahit panggasolina na lang ay sa kanya pa humihingi si Aljur.

Masyado raw mapili sa gagawing proyekto si Aljur, ayaw magtrabaho, kaya kinakapos sila sa pera. Pinabulaanan ‘yun ng kampo ng aktor.

Ang pangalawang lumulutang na akusasyon, nambabae raw si Aljur, kung sinuman ang sinasabing third wheel sa kanilang relasyon ay si Kylie lang ang makasasagot para panindigan ang kanyang bintang.

Hanggang hindi nila inuupuan ang tunay na dahilan ng kanilang hindi pagkakaintindihan ay dadami pa nang dadami ang lalabas na akusasyon laban kay Aljur.

Manganganak nang manganganak ang mga kuwento, puwede pang lumabas na sinasaktan ng aktor ang kanyang misis, at kung anu-ano pang kuwentong silang dalawa lang naman ang nakakaalam at makapagreresolba.

Si Kylie Padilla ang unang pumutak sa social media. Siya ang naglabas ng mga cryptic messages na pinag-ugatan ng kuwentong nagkakalabuan na sila, mensahe lang ng dasal ang inilabas ni Aljur.

Ano nga ba ang kolokyal na kasabihan nating mga Pinoy? Ang unang pumutak ang nangitlog.

Leave A Reply

Your email address will not be published.