Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality ginantihan ang kabit ng mister

0 301

Napakaraming napatulala. Maraming hindi makapaniwala. Isang malaking rebelasyon ang inilabas ng isang impormanteng nakakaalam ng buong istorya tungkol sa relasyon ng isang pamosong male personality at ng isang kinikilalang madam ng showbiz.

Nagkaroon pala sila ng relasyon na alam ng misis ng sikat na aktor, pero hindi lang ito nag-ingay, kaya kaunti lang ang nakakaalam tungkol sa relasyon ng kanyang mister at ni madam.

Kuwento ng aming source, “Nakakaloka nga! Ang akala nu’ng female personality, e, ang ex ng husband niya ang pinagkakaabalahan nu’ng lalaki! Pero hindi pala!

“Si madam pala ang kinarelasyon ng husband niya, na-Julie Andrews niya ‘yun at hindi siya makapaniwala! Kahit naman sino, e, hindi mag-aakalang si madam pala ang kalaban niya sa puso nu’ng husband niya! Nakakaloka, di ba?” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Pagkatapos nang maraming taon ay pumanaw ang kilalang male personality. Siyempre, ang female personality ang nag-aasikaso sa lahat ng kailangan sa burol, sa kanya lahat dumaan ‘yun.

Kuwento uli ng aming source, “May nagsabi sa legal wife na dadalaw raw sa burol si madam kasama ang kanyang mga kaibigan. Teka lang, sabi ng female personality, ito na ang pagkakataon!

“Wala namang schedule para ayusin ang bangkay, pero ang ginawa ni misis, ipinatawag niya ang mga taong nag-aasikaso para linisin, bihisan at ayusin ang make-up ng mister niya.

“Itinaon niya talaga ‘yun na dadalaw si madam! At pinatagalan niya talaga ang pag-aayos sa bangkay, napakabahang oras, ‘yung inip na inip na si madam!

“Mahabang oras ang hinintay ni madam bago niya nakita ang bangkay, kasi nga, talagang tinikis siya ni misis! At umalis ang female personality nu’ng pumasok na sa chapel si madam! Sinadya niya ‘yun!

“Nakakaloka, talagang ginantihan niya si madam! Pinaghintay niya nang super-tagal. Maaalala pa kaya ‘yun ni madam?” tawa nang tawang pagtatapos ng aming impormante.

Revillame nakonsensya sa masarap na lafang

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ibang klase ang kagandahan ng puso ni Willie Revillame. Kapag alam niyang matindi ang pangangailangan ng tinatawagan niya para bigyan ng papremyo ay nagdadagdag siya ng ayuda.

Ang premyong beinte mil ay ginagawa niyang treinta, meron pa siyang ibinibigay na tablet, meron pang kasamang jacket ‘yun ng kanyang programang Tutok To Win.

Marunong siyang kumilatis ng tunay na nangangailangan, tumatawid ‘yun kay Willie, kaya kung ang papremyo ng kanyang sponsor ay hindi sasapat sa pangangailangan ng kanyang tinatawagan ay humuhugot siya ng karagdagang pera sa kanyang bulsa.

Sabi ni Willie, “Sa tagal ko na sa trabahong ito, sa boses pa lang ng kinakusap ko, e, alam ko na kung ano ang pinagdadaanan niya. Ramdam ko ‘yun.

“Alam ko kapag sincere ang kausap ko, alam na alam ko na answered prayer ang pinagdaanan niya, kaya ganu’n na lang katindi ang pag-iyak at pasasalamat niya.

“Nakakakunsensiya ang panahong ito ng pandemya. Kapag kumakain ka ng masarap, maaalala mo ang mga kababayan nating nawalan ng trabaho at hindi alam kung paano nila bubuhayin ang kanilang pamilya,” pahayag ng mapusong TV host.

May mga kaibigan kaming nagsasabi sa amin na ang binibigyan nila ng halaga ay ang ginagawang pagdadagdag ng papremyong cash ni Willie.

Sabi ng isang kausap namin, “’Yung prize kasi ng sponsor, e, hanggang du’n na lang talaga. Naka-budget ‘yun. So, ang pinahahalagahan namin, e, ang ginagawang pagdadagdag ni Willie.

“May isang episode nga na napanood ko, hindi na halos makapagsalita, dahil iyak nang iyak ang nasa kabilang linya. Nawalan ng trabaho ang mister niya, maysakit ang nanay niya, wala silang makain.

“Napabuntong-hininga si Willie, dinagdagan niya nang twenty thousand ‘yung premyo. Napakaganda talaga ng puso niya,” komento ng aming kausap.

Kaya naman napakabait kay Willie Revillame ng Diyos, ng kapalaran, dahil napakamatulungin ng kanyang puso.

Leave A Reply

Your email address will not be published.