Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality grabe ang galit sa ex

0 439

Kung gaano katinding minahal at pinagkatiwalaan ng isang magandang female personality ang dati niyang karelasyon ay ganu’n din kalalim ang galit niya sa male personality.

Sabi ng isang source, “Kung gusto mong sirain ang araw ni ____(pangalan ng female personality), banggitin mo lang ang pangalan ng ex niya.

“’Yung napakagandang aura niya, e, biglang magbabago, didilim ang face niya. Talagang malalim ang galit niya du’n sa male personality,” komento ng aming source.

Marami kasing naaalala ang magandang babaeng personalidad tungkol sa dati niyang karelasyon. Isandaang porsiyento ng tiwala at pagmamahal ang ibinigay niya sa kanyang ex pero nagawa pa rin siyang lokohin nito.

Patuloy ng aming source, “Pinasakay siya sa tsubibo ng ex niya. Pinaniniwalaan niya ang lahat ng sinasabi ng guy, ‘yun pala, may milagro nang nagaganap!

“Nagdadala pala ng babae ang male personality sa place of work niya. Iba-ibang babae nu’ng una, hanggang sa isang girl na lang ang palagi niyang kasama du’n sa itinayo niyang business na monkey business naman pala ang nangyayari!

“May secret room pala du’n, ‘yun ang ginagawang slaughter room ng guy, habang ang girlfriend niya naman, e, asang-asang nagtatrabao nga siya!

“Wala naman pala siyang trabaho, meron lang siyang tinatrabaho, kaya ganu’n na lang ang galit ng girl sa ex niya! Siya pa ang nag-ayos sa condo ng guy, inayos niya ‘yun talaga ayon sa taste nu’ng lalaki.

“Pero ibang girl naman pala ang dinadala du’n ng boyfriend niya. Napakasakit nga naman ng inabot niya sa lalaking ‘yun! Lantarang panloloko ang ginawa sa kanya.

“Kaya ngayon, kung gusto n’yong masira ang araw ng girl, e, iparinig n’yo lang sa kanya ang name ng ex niya at ‘yun na ‘yun!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

SM food to go Banner Ad

April Boy inabot ng midnight tsikahan

Napakarami naming nahalukay na mensahe sa amin ng mag-asawang April “Boy” Regino at Madel. Mga mensaheng nagmula pa nu’ng 2010 nang magdesisyon silang magbalik na sa Pilipinas.

Madalas silang magsadya sa aming gallery, meron silang ikinokonsultang mga alok kay April Boy, inaabot kami nang hatinggabi sa pagkukuwentuhan.

Sa lahat ng mensaheng nakatago pa sa amin hanggang ngayon ay meron kaming napansin sa pagtatapos ng mensahe. Ang palaging dulo ay pasasalamat.

Dahil hindi na nga nakakapag-text si April Boy dahil matindi na ang panglalabo ng kanyang paningin ay si Madel ang nagte-text, “Habang pauwi po kami ni April, e, sinasabi niya, sobra n’yo raw po kaming mahal. Mahimbing po ang tulog niya, masarap daw pong itulog ang mga payo n’yo.

“Maraming-maraming salamat po sa pagmamahal at paggabay n’yo sa amin, mula po nu’ng baguhan pa lang si April hanggang ngayon, palagi n’yo pa rin kaming binibigyan ng oras kahit po pagod na pagod din kayo. Pagpalain po kayo ng Panginoon,” mahabang mensahe ni Madel.

Sa magagandang nagaganap sa kanilang buhay ay agad din silang nagbabalita. Nang magpakasal ang kanilang anak na si JC, sa pagdating ng una nilang apo, heto ang mensahe ni Madelyn nu’ng September 30, 2015.

“Nay Cristy, nandito po kami ngayon sa Marikina Valley Medical Center, lalabas na po ang regalo ng Diyos sa aming pamilya, si Baby Aizen Jayce, ang unang apo ni Lolo Idol.

“Matagal na po naming ipinagdarasal ito, salamat po sa Diyos at dininig Niya ang aming panalangin. Kayo po ang unang binalitaan namin ni April dahil bahagi na po kayo ng aming pamilya. Maraming salamat po sa paggabay at pagmamahal,” si Madel De Leon.

Ipinagdasal na namin nang maraming ulit ang kaluluwa ng Jukebox Idol. Ang isa pang hiling namin sa Diyos ngayon ay ang pagpalain at tulungang makabangon sina Madel, Charmaine at JC sa pagkawala ng poste ng kanilang pamilya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.