Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality grabe ang katakawan

0 509

Hanggang ngayon ay matinding palaisipan pa rin para sa mga utility ng isang malaking network kung saan inilalagay ng isang pamosong female personality ang kanyang kinakain.

Maraming artistang nagda-diet, alalay lang sa pagkain, pero hindi kasama sa mga nadidiyeta ang babaeng personalidad. Lafang lang siya nang lafang.

Ayos lang din namang panay ang padagdag niya ng food, malaki ang ginagampanan niyang papel sa proyekto, pagdadamutan ba naman ng mga utility ang mga bumibidang artista?

Pero talagang nag-uusap ang mga tagabigay ng food sa mga artista, production staff at crew kung anong magic meron ang mga bituka ng aktres.

Kuwento ng aming source, “Hindi siya mapili sa food, walang problema sa kanya ang production, kung ano ang dala-dala ng catering, kain lang siya nang kain!

“Meron kasing mga personalities na kapag hindi gusto ang pagkain ng production, e, nagpapabili sila ng food na gusto nila. Pero itong si female personality, walang kaarte-arte sa food!” unang kuwento ng aming impormante.

Nagtataka ang magkakatropang utility kung bakit siya ganu’n kalakas kumain, saan daw kaya niya ‘yun inilalagay, samantalang napakapayat ng kilalang female personality.

Patuloy ng aming source, “’Yun ang matinding tanong ng mga tagahatag ng food na wala pa ring sagot hanggang ngayon. Tuwang-tuwa sila sa masarap na appetite ng girl, pero ang tanong nila, e, saan niya ‘yun inilalagay, kasi nga, super-flat naman ang tiyan niya, wala nga siyang bilbil, e!

“Malakas siyang kumain! Para siyang karpintero kung lumafang! Nagpapadagdag siya palagi ng rice, kadalasan, nakakatatlong serving siya ng kanin, true ‘yun!

“Kaya hanggang ngayon, kapag katrabaho nila ang female personality, e, may nakahanda na silang pangdagdag sa kanin niya at ulam. Kabisado na nila ang girl!

“Pagod na pagod kasi siya sa kasasalita, kaya siguro siya ginugutom nang husto! Aba, nakakagutom naman talaga ang hosting, ‘no! Pero wala siyang bilbil, payatolah siya!

“Payat, pero super-lakas niyang lumafang, nakakaloka nga ang female personality na ‘yun na napakalakas gumiling ng metabolismo!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

-o0o-

Kris 2 beses nagmura

“Ang pilantik ng mga daliri!” ‘Yun lang ang naging ugat nang napakatinding galit ni Kris Aquino sa isang basher. Walang banggit ng pangalan, pilantik lang ng mga daliri ang komento ng basher, pero dalawang beses na nagmura si Kris sa kanyang sagot.

Uminit ang kanyang ulo, kumulo ang kanyang dugo, dahil hindi siya syunga para hindi niya malaman na ang kanyang bunsong si Bimby ang tinutumbok ng basher.

Ang pinagbasihan ng basher ay ang one-on-one interview nilang mag-ina kung saan si Kris pa mismo ang bumusisi sa kasarian ng kanyang anak.

Mahusay sumagot si Bimby, kasingdiretso rin ng kanyang ina kung magbitiw ng pahayag, kilalang-kilala raw nito ang kanyang sarili. “As straight as an arrow,” pangtukoy pa ni Bimby sa kanyang sarili, na ikinatuwa naman ng TV host.

Ugatin natin ang kuwento. Saan ba kasi nanggaling ang komentong “ang pilantik ng mga daliri,” inimbento lang ba ‘yun ng basher ni Bimby, may nakita ba kasi ito sa interbyuhan ng mag-ina?

Simpleng pag-aanalisa lang ang katapat ng isyung ito. Si Kris pa rin ang bubuweltahan ng sisi ng publiko na tulad ng nangyayari ngayon sa social media, siya ang naglawit ng pain para i-bash si Bimby, dahil sa kanilang interbyuhan.

Kung wala siyang ipinakita, walang masisilip ang mga bashers, walang magiging punto ng diskusyon. Si Kris ang nagpasimuno para kalampagin ng mga bashers at netizens ang pinakamamahal niyang bunso.

Ganu’n lang kasimple ang argumento. May nagpakita. May nakakita. May napansin. May pumansin. May nagmura.

Leave A Reply

Your email address will not be published.