Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality grabe mag-power trip sa dyowa

0 463

Buhay na buhay pa ang mga impormanteng makapagpapatotoo nang buong ningning kung gaano katinding mag-power trip ang isang pamosong female personality. Wala siyang maitatago.

Nasubaybayan ng mga taong ‘yun ang bawat pakikipagrelasyon ng babaeng personalidad, magulo at kontrobersiyal, hanggang ngayon ay pinagpipistahan pa rin.

Kuwento ng unang source, “Walang kakabog sa babaeng ‘yun sa pagpapalutang ng powers niya! Grabe siyang mag-power trip! Kung ano ang maisipan niya, kung ano ang gusto niya, ‘yun ang kailangang maganap!

“Walang magawa ang karelasyon niya dahil kapag kinokontra siya, e, siguradong giyera mundial ang kahihinatnan nu’n!” unang kuwento ng aming impormante.

Kung bakit naman ang natapatan pang karelasyon ng female personality ay mga lalaking-lalaki ang dating. Macho, hindi matatawaran ang pagkalalaki, pero napailalim sila sa powers ng babaeng personalidad.

Patuloy ng aming source, “Nakakaloka, kung ano ang gusto niyang ipasuot sa boyfriend niya, e, ‘yun dapat ang mangyari! Naalala n’yo pa ba ang kuwento ng isang male personality nu’ng makita ang kaibigan niyang nakasuot ng pink?

“Hindi lang basta ganu’n, naka-suspender pa at pantalong green? Tanong ng BFF ng boyfriend ng female personality, ‘Ano ang nangyari sa iyo? Bakit ganyan ang suot mo? Para kang nagmumurang kamias!’

“Hindi nakasagot agad ang male personality, hindi siya makapagsalita dahil magagalit ang girl, kaya inginuso na lang niya ang babaeng may kagagawan ng lahat!” tawa nang tawang kuwento pa ng aming source.

‘Yung karelasyon niyang napakatapang sa pakikipagbalyahan, pakikipag-upakan sa linyang kinabibilangan nito, pinagtawanan ng kanyang mga kaibigan, dahil sa itsura nito nang dumating sa party.

Sabi naman ng isa pang source, “Juice colored! Talagang pinagbubulungan siya ng lahat ng mga nasa party! Paano naman, e, dumating siyang parang action star!

“E, napakainit nu’ng gabing ‘yun, pero naka-leather pants and jacket siya, action star na action star ang datingan niya! Natural, ang salarin du’n, e, ang karelasyon niyang gusto siyang gawing Hollywood personality!

Nakakaloka ang babaeng ‘yun, matindi siyang mag-power trip, kaya look, walang tumatagal sa kanya! Palaging waley ang lovelife niya!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Erap ‘P1M’ bawat turok ng gamot

Sinserong pasasalamat ang ipinararating ng pamilya Ejercito-Estrada sa lahat ng mga nagdasal para sa paggaling sa COVID-19 ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Grabe ang tumamang virus sa dating pangulo, matindi ang pagtutok ng kanyang mga doktor sa pinakasentrong dahilan ng kanyang sakit, ang pneumonia.

Ngayon pa namang pandemya ay tinibag na ang malaking pader na napakagitan sa mayaman at mahirap, lahat ay maaaring kapitan ng virus, walang naka-iiwas sa COVID-19.

Nu’ng Lunes nang hapon ay sinundo na ng kanyang mga anak sa ospital si dating Pangulong Erap para maiuwi na sa kanilang bahay sa Polk, Greenhills. Maayos na maayos na ang kanyang pakiramdam.

Lumutang agad ang mga kuwento na napakalaki ng naging hospital bill ng dating pangulo dahil sa gamot na ibinigay sa kanya ng mga doktor. Isang milyon daw ang bawat turok ng gamot na Leronlimab.

Sabi ng aming source, “Kapag buhay na ang nakataya, lahat, gagawin natin. Di nga ba ang nalulunod, kahit sa tingting, e, kakapit sa pag-asang makaliligtas siya?

“Buhay ni former president ang nakataya, kahit more than one million pa ang halaga ng gamot, e, talagang ipatuturok niya! Hindi na ‘yun pinag-iisipan pa, buhay na ang nakataya, e!” sabi nito.

Pero napakalaki ng nagawa ng mga panalanging ibinigay ng ating mga kababayan kay dating Pangulong Erap, tanggap na tanggap ‘yun ng kanyang pamilya, dahil gumagawa naman talaga ng himala ang sama-samang panalangin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.