Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality gradweyt na sa kagagahan

0 128

Napaka-cool ng isang kilalang female personality.

Hindi siya maingay, hindi niya ipinaglalantaran sa publiko ang mga nagaganap sa kanyang personal na buhay, kaya naman hindi siya nasasangkot sa kontrobersiya.

Maayos din siyang mamuhay, kapag wala siyang trabaho ay produktibo ang kanyang panahon, ginagamit niya sa mga makabuluhang bagay.

Kuwento ng aming source, “Napakalaki ng ipinagbago ng babaeng ‘yun, kung dati, e, wala siyang pakialam sa mundo, nu’ng medyo nagkaedad na siya, e, napakaganda ng pananaw niya sa buhay.

“At habang nadadagdagan ang age niya, e, mas gumaganda pa siya. Positive outlook sa buhay ang dahilan nu’n. Saka siyempre, happy heart,” unang paglalarawan ng aming impormante tungkol sa magandang aktres.

Magaling ngang humawak ng personal niyang buhay ang female personality. Tapos na siya sa mga kagagahang pinagdaanan niya. ibang-iba na siya ngayon.

Pag-alala ng aming source, “Dati kasi, e, maligalig ang babaeng ‘yun! Confrontational siya, kung anu-ano ang ipino-post! Pero biglang iba na siya ngayon, wala tayong nalalaman sa mga ganap sa buhay niya, lalo na sa lovelife niya!

“At may pa-mysterious ang dating niya ngayon. Hindi siya nakikitang pakalat-kalat, nasa house lang siya kasama ang anak niya, tama nang sila lang ang magkasama,” madiin pang sabi ng source.

Tuloy ay napagkukumpara sila ng kanyang kapamilyang palaging laman ng mga blind item, ang dami-daming istorya tungkol sa kanyang kadugo, magkaibang-magkaiba sila.

“Napakalayo! ‘Yung isa, kung anu-anong kuwento tungkol sa lovelife niya ang pinagpipistahan, kesyo nang-agaw ng karelasyon ng may karelasyon!

“Nand’yang bumandera ang name dahil sa mga pagkakautang niyang dinededma lang! Hindi mahusay humawak ng kabuhayan ang isang ‘yun!

“Kumbaga, walang kadala-dala ang girl na ‘yun! Naturingan pang mas matanda siya, pero kinakabog siya ng female personality na ito na maagang natuto sa buhay!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Nakipaghiwalay siya sa karelasyon niya, wala siyang inilabas na mga detalye, wala siyang kung anu-anong post! Hindi sila pinagpistahan! Ngayong may karelasyon na siyang bago, e, tahimik pa rin siya!

“Ang husay niya talagang magmando ng buhay niya, lalo pa siyang gumanda at sumeksi ngayon, sa totoo lang!” pagtatapos ng humahanga naming source.

-o0o-

Aljur ayaw idiin si Kylie

Magiging madali para kay Aljur Abrenica ang pinagdadaanan niyang sitwasyon. Oo nga’t nabigo siya sa pangarap niyang maayos na relasyon nila ni Kylie Padilla ay hindi pa rin nu’n ninakaw ang lahat-lahat sa kanya.

Ibang-iba talaga kapag may pamilyang nagmamahal. Napakasolido ng pagmamahalan ng pamilya Abrenica. Sama-sama sila sa lahat ng bagay.

Ang pagmamahal na ‘yun ang mas nagpapatibay ngayon kay Aljur, meron siyang nakakasama sa kalungkutan, may mga kapamilya siyang nagpaparamdam na hindi siya nag-iisa.

Matibay ang pundasyon ng pamilya, maagap sina Daddy Jojo at Mommy Amor sa mga nagaganap sa buhay ng kanilang mga anak, sila ang mga magulang na totoong matatakbuhan kapag problemado ang anak.

Pinagbibintangang nangaliwa si Aljur na ayon kay Robin Padilla ay hindi na kinaya ni Kylie. Wala tayong anumang naririnig mula sa kampo ng aktor kahit pa meron din naman silang maaaring sabihin para hindi madiin nang husto si Aljur.

Walang depensang nagmumula sa pamilya, ang mahalaga para sa kanila ay ang maging magaan para kay Aljur ang pagtanggap sa kinahinatnan ng kanilang relasyon ni Kylie, lalo na ang kapakanan ng kanilang mga apo.

Nu’n pa man ay may nagbulong na sa amin, “Hindi magtatagal ang pagsasama ng dalawang ‘yan. Napakabait ni Aljur para kay Kylie.”

At naganap nga.

Leave A Reply

Your email address will not be published.