Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Female personality hinawaan ang dyowa

0 94

Pambansang gulay na ngayon ang patola.

Mas malakas ang benta ng naturang gulay ngayon sa mundo ng showbiz at politika. Patola ang tawag sa mga politiko at artistang mahilig sumagot sa mga bashers.

Patola rin ang ikinakambal na katawagan sa mga personalidad na may mabasa lang o marinig na kahit ano laban sa kanila ay agad nang puputok at magdedepensa sa kanilang mga sarili.

Iba-ibang klase ang mga patola. Merong napakahilig sumawsaw, merong patagilid lang kung sumagot, meron din namang diretso talaga at pinapangalanan ang kanilang pinapatulan.

Wala nang tatalo pa sa isang kilalang female personality na ang paboritong iulam sa maghapon ay patola. Ginisang patola, bulanglang na patola at iba pang luto ng gulay na sikat na sikat ngayon.

Kuwento ng aming source, “Naku, bago pa ba naman ‘yon? Dati na naman siyang sawsawera! Para siyang bawang na kasahog sa lahat ng lutuin!

“Kahit ano na lang, basta mapansin lang siya, e, papatulan niya talaga! Pero impernes, pinapakisawsawan din naman kasi ang mga ikinukuda ng babeng ‘yon!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Wala siyang pinaliligtas na usapin, parang inaabangan talaga ng female personality na ito kung ano ang napapanahong puwedeng pakisawsawan, saka siya papasok.

Patuloy ng aming source, “Sabi kasi ng isang dati niyang PA, umaga pa lang, e, kumpleto na ang mga reading materials niya. May broadsheet, may tabloids, may magazine, kumpleto talaga siya!

“Meron din siyang iba-ibang kulay ng pang-highlight na pen, habang nagbabasa siya, ina-underline niya ang mga kuwentong puwede niyang salihan. Ganu’n siya ka-ready talaga!

“So, kapag nakaharap na siya sa gadgets niya, alam na niya kung anu-anong topic ang papasadahan niya. kaligayahan na niya ang ganu’n, masayang-masaya siya kapag join siya sa usapan!” tawa pa rin nang tawang kuwento ng aming source.

Palagi siyang nangangako na hindi na siya maglalabas ng mga detalye tungkol sa kanyang personal na buhay pero hindi niya naman ‘yon napapanindigan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kaya wala nang naniniwala sa mga sinasabi niya, puro OPM lang ‘yon. At ang nakakatawa pa, e, nahawa na rin sa kanya ang karelasyon niya ngayon!” humahalakhak nang pagtatapos ng aming source.

-o0o-

Claudine binura ang love note ni Rico

Ibang klase na ang panahon ngayon. Wala nang puwedeng idenay ang mga personalidad dahil nababalikan ng mga bashers ang mga dati nilang ipino-post.

Kahit gaano pa ‘yon katagal ay nakikita ng mga Maritess sa tulong ng kanyang mga kabig na sina Marisol, Mariposa at Marina. Di nga ba’t ang isyu ng isaw na kiyemeng ayaw kainin ni Julia Barretto ay isandaang porsiyentong nabuking na kaartehan lang?

Inilabas ng grupo ang isang video kung saan sarap na sarap sa kakakain ng isaw si Julia, tumatakam-takam pa, may maisasagot pa ba du’n si Julia?

Ganu’n din ang ginawa ng mga Maritess kay Claudine Barretto, nu’ng ilabas ng aktres ang love note daw sa kanya ng namayapang si Rico Yan ay hinagilap-sinaliksik uli ng grupo ang mga nakaraang sulat na ipinost ni Claudine, buking!

Napakalayo ng sulat-kamay ng aktor sa mga posts, ibang-iba sa huling inilabas ni Claudine, bukod pa sa bagung-bago ang pinagsulatan samantalang dalawang dekada na halos ang diumano’y love note.

Walang pinamilian si Claudine kundi ang tanggalin na lang niya ang love note, nasukol nga kasi siya ng mga Maritess na hindi naman ‘yon sulat-kamay ng pumanaw na dati niyang karelasyon, bura kung bura lang ang tanging nagawa ng aktres.

Sabi pa ng basher ni Claudine, “May bakuna sa COVID-19, pero sa pag-iilusyon, wala! Bakit kasi hindi na lang niya amining guilty siya, kaya ganyan ang ginagawa niya?”

Malupet!

Leave A Reply

Your email address will not be published.